Inihayag ng Kalikasan People’s Network for the Environment (PNE) na tuloy pa rin ang operasyon ng pagmimina ng Woggle Corp sa Dupax del Norte, Nueva Viscaya.
Sa kabila ito ng suspension order na inilabas ng Mines and Geosciences Bureau o MGB.
Naobserbahan ng grupo ang tuloy-tuloy na drilling sa loob ng kanilang exploration site sa lalawigan.
Dahil dito, binalewala umano ng kumpanya ang ipinatupad na suspensyon ng pagmimina sa lugar.
Ayon sa grupo, may mga video at litrato silang nagpapatunay sa operasyon ng kumpanya.
WOGGLE CORP, NILABAG ANG SUSPENSYON NG PAGMIMINA SA VIZCAYA
Sinabi rin nila na walang nakapaskil na official notice tungkol sa nasabing suspension order.
Bukod dito, wala rin umanong malinaw na impormasyong nakarating sa mga residente tungkol sa kautusang ito.
Matatandaang sinuspinde ng MGB ang exploration activities noong nakaraang February 5, 2026.
Ginamit na basehan dito ang “force majeure” sa ilalim ng Philippine Mining Act.
Gayunpaman, kinuwestiyon ng Kalikasan PNE ang implementasyon ng kautusang ito sa lalawigan.
Nanawagan sila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na agad aksyunan ang mga paglabag ng kumpanya.
Iginiit ng grupo na lehitimong aksyon ang mga barikada at pag-protesta ng mga tao.
Hindi rin dapat gamitin ang militarization para takutin ang mga residenteng lumalaban.
Bukod pa rito, hiniling nila ang permanent cancellation ng exploration permit ng nasabing malaking kumpanya.
Layunin nito na tuluyang maprotektahan ang Nueva Vizcaya laban sa mapanirang pagmimina.

