Ipinakita ng Lalawigan ng Zambales ang kanilang interes at hangarin na maging host ng Palarong Pambansa 2027.
Personal na naghain ng bid si Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. sa naganap na Presentation of Bids na bahagi ng Palarong Pambansa Committee Special Board Meeting.
Binigyang-diin sa presentasyon ang malawak na rehabilitasyon ng mga sports complex at iba pang imprastraktura sa lalawigan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin nilang magbigay ng world-class venues na papantay sa mga international standards.
Bukod pa rito, tiniyak ni Ebdane na ang bawat pasilidad ay dinesenyo para sa seguridad at kaginhawaan ng mga atleta.
Ipinagmalaki rin ng Zambales ang kanilang karanasan sa paghawak ng mga malalaking events.
Matatandaang naging matagumpay ang pagdaraos ng 3rd Asia-Pacific Regional Scout Jamboree na ginanap sa bayan ng Botolan.
Sa kasalukuyan, mahigpit nilang katunggali ang Quezon City at Tarlac matapos umatras ang DasmariƱas City sa bidding process.
Alinsunod sa RA 10588, ang pagpili sa host ng Palarong Pambansa 2027 ay nakabatay sa kakayahan ng lokal na pamahalaan na magsaayos ng event.
Samakatuwid, ang pagho-host ay hindi lamang tungkol sa laro kundi sa paghubog ng karakter ng mga batang atletang Pilipino.

