Mahigit 500 magsasaka ng bawang sa Vintar, Ilocos Norte ang makikinabang sa bagong ₱11.4-milyong multi-purpose warehouse na may solar dryer sa Barangay San Jose.
Layon ng proyekto na bawasan ang pagkalugi at pataasin ang kita ng mga magsasaka.
Ayon kay Municipal Agriculturist Maricel Serrano, inaasahang magagamit nang buo ang pasilidad sa Pebrero 2026, kasabay ng anihan.
Ang proyekto ay pinondohan ng World Bank, Department of Agriculture, at lokal na pamahalaan sa ilalim ng Philippine Rural Development Project Scale-Up.
Tinatayang mapapahaba ng 50% ang shelf life ng mga ani at mababawasan ng 5% ang post-harvest losses. Maaari rin itong gamitin ng mga magsasaka sa kalapit na barangay sa maliit na bayad.
Naniniwala ang lokal na pamahalaan na magdudulot ito ng mas mataas na ani at mas maunlad na kabuhayan sa Ilocos Norte.

