Tinapos ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang isang buwang pinaigting na anti-crime at anti-illegal drug operations noong Enero 2026. Nagresulta ito sa pagkakakumpiska ng mahigit ₱24 milyon halaga ng ilegal na droga at pagkakaaresto sa mahigit 1,700 indibidwal.
Batay sa pinakahuling ulat ng PRO3, umabot sa 814 wanted persons ang naaresto sa isinagawang manhunt operations. Kabilang dito ang 124 most wanted persons at 79 na kabilang sa Top Ten Most Wanted sa regional, provincial, at municipal levels. Patunay ng intelligence-driven police operations laban sa high-priority suspects.
Nakapagsagawa rin ang rehiyon ng 659 anti-drug operations na humantong sa pagkakaaresto ng 943 drug suspects. Kabilang dito ang 22 High Value Individuals (HVIs).
Maging ang mga nakumpiskang ebidensiyang 3,499.48 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱23.8 milyon, 1,229.20 gramo ng dried marijuana leaves na may halagang ₱147,503.69. Kasama rin ang 144.894 gramo ng kush na tinatayang ₱217,341.60, at 43.733 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng ₱74,346.10.
Sa kabuuan, umabot sa ₱24,236,481.23 ang halaga ng mga ilegal na droga na nasamsam ng PRO3.
Ayon kay PRO3 Director PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr, ang mga tagumpay na ito ay bunga ng masusing police work at mahigpit na pagsunod sa strategic agenda ng Philippine National Police (PNP).

