Smuggled Cigarettes nasabat ng Philippine National Police (PNP) ng ₱47.5 milyong halaga ng illicit cigarettes sa isang follow-up operation sa Tarlac City.
Isinagawa ang extended operation mula 10:00 PM ng February 9 hanggang 10:00 AM ng February 10, 2026 sa Sitio Pag-asa, Barangay Tibag.
Ang operasyon ay sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief Jose Melencio C. Nartatez Jr.
Pinangunahan ito ng CIDG Tarlac Provincial Field Unit kasama ang iba pang police units.
Kaugnay ito ng naunang buy-bust operation noong Pebrero 8 kung saan apat na indibidwal ang naaresto.
Ang mga naaresto ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10643, RA 7394, at RA 8293.
Sa follow-up operation, hindi sumipot ang hinihinalang supplier sa itinakdang meeting place.
Sa isinagawang area checking, natagpuan ang isang Wing Van at isang Closed Van na may lamang kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes.
Umabot sa 683 master cases ang nakumpiska na may kabuuang halagang ₱47,530,000.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng PNP upang matukoy at maaresto ang supplier na nasa likod ng smuggling operation.

