unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

₱3.25M NA HALAGA NG SHABU, NASABAT SA OLONGAPO CITY

by philpiccio | Jan 14, 2026 | Crime | 0 comments

₱3.25M NA HALAGA NG SHABU, NASABAT SA OLONGAPO CITY

Babala! Sensitibong Balita: SHABU, NASABAT

Arestado ang dalawang high-value individuals at nakakumpiska rin ng higit ₱3.25 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkahiwalay na operasyon sa Olongapo City noong Enero 9 at 10, 2026.

Sa unang operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), katuwang ang CIU OCPO at RID PRO3, naaresto si alias “Bash” sa Barangay West Bajac-bajac. Sa buy-bust nsamsam umano mula sa kanya ang 400 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱2.72 milyon.

Samantala, sa ikalawang operasyon sa Barangay Sta. Rita, naaresto naman si alias “Kevin” at narekober mula sa kanya ang 78 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱530,400, kasama ang buy-bust money.

Ayon kay PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng PRO3, ang mga tagumpay na ito ay patunay ng tuloy-tuloy at intelligence-driven na diskarte ng rehiyon laban sa ilegal na droga.

Ang mga pag-aresto ay alinsunod umano sa PNP Focused Agenda ni Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Trackbacks/Pingbacks

  1. Makeshift Drug Den, Ni-raid sa Pampanga - […] drug suspects ang inaresto at tinatayang Php 54,400 na halaga ng shabu ang nasamsam sa loob ng isang makeshift…

Submit a Comment Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy