unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

15 COMPOSTING FACILITY, IPINAMAHAGI SA NUEVA ECIJA PARA BAWAS BASURA, DAGDAG-KITA SA MGA MAGSASAKA

Posted by philpiccio | Mar 17, 2026 | 0

15 COMPOSTING FACILITY, IPINAMAHAGI SA NUEVA ECIJA PARA BAWAS BASURA, DAGDAG-KITA SA MGA MAGSASAKA

Labinlimang (15) composting facility para sa biodegradable waste ang ipinamahagi sa iba’t ibang benepisyaryo sa lalawigan ng Nueva Ecija bilang bahagi ng programang naglalayong mabawasan ang basura at makatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng lupaing sakahan.

Pinangunahan ni Vice Governor Gil Raymond Umali ang naturang pamamahagi ng mga kagamitan sa mga benepisyaryo.

Ayon kay Engineer Mary Joyce B. Rivero ng Bureau of Soils and Water Management, kabilang sa ipinamahaging kagamitan ang rotary composter at biomass shredder na gagamitin sa pagproseso ng mga nabubulok na basura upang gawing compost o organikong pataba.

Ipinaliwanag ni Rivero na layunin ng programa na matugunan ang problema sa basura sa bansa habang tinutulungan din ang mga magsasaka na mapabuti ang kondisyon ng kanilang mga lupa.

Dagdag pa niya, inaasahan na makikinabang sa proyekto ang mga barangay local government unit, farmers’ association at cooperative, pati na rin ang mga pampublikong paaralan sa lalawigan.

Nagpasalamat naman si Juanito Ligamia ng Dr. Ramon de Santos National High School sa natanggap na pasilidad na aniya’y malaking tulong sa kanilang paaralan.

Aniya, maaaring gawing compost ang mga basura mula sa school canteen at mga tuyong dahon sa paligid ng paaralan upang maging pataba sa mga halaman.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Philip Sagario ng Integrated Farmers Association sa Piglisan, Cuyapo, dahil makatutulong umano ang pasilidad upang makabawas sa gastos sa pataba.

Ayon kay Sagario, sa halip na bumili ng mamahaling fertilizer tulad ng urea na umaabot sa humigit-kumulang ₱1,500, maaari na silang gumawa ng sariling pataba mula sa mga dayami at iba pang biodegradable na materyales.

Umaasa ang mga benepisyaryo na magagamit nang maayos ang mga ipinamahaging kagamitan upang makatulong sa pagbawas ng basura at sa pagpapalakas ng produksyon sa agrikultura sa lalawigan.

Share:

PreviousMGA PASYENTENG MAY BUKOL SA NUEVA ECIJA, NABIGYAN NG LIBRENG OPERASYON SA SURGICAL CARAVAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN
NextPAGHARAP SA ISYU NG PRESYO NG LANGIS, TINALAKAY SA TOKYO SUMMIT

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Tricycle driver, tinagpas sa leeg; Arkitekto, nabiktima ng Akyat-Bahay; 3 hinihinalang drug dealers, patay sa sagupaan vs mga pulis

Tricycle driver, tinagpas sa leeg; Arkitekto, nabiktima ng Akyat-Bahay; 3 hinihinalang drug dealers, patay sa sagupaan vs mga pulis

July 1, 2016

MAHIGIT 200 PDL SA NUEVA ECIJA, SUMAILALIM SA HIV SCREENING SA ILALIM NG PROJECT KALINGA

MAHIGIT 200 PDL SA NUEVA ECIJA, SUMAILALIM SA HIV SCREENING SA ILALIM NG PROJECT KALINGA

April 29, 2026

Php 150-M halaga ng ayuda mula sa Department of Agriculture, iginawad sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija

Php 150-M halaga ng ayuda mula sa Department of Agriculture, iginawad sa pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija

September 2, 2019

Peace and order sa Nueva Ecija ngayong kapaskuhan, titiyakin ng kapulisan

Peace and order sa Nueva Ecija ngayong kapaskuhan, titiyakin ng kapulisan

December 23, 2016

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .