Pinatunayan ng Lalawigan ng Nueva Ecija ang husay sa pag-host matapos idaos sa Nueva Ecija Coliseum ang 2026 SMART/MVPSF Luzon Best of the Best Taekwondo Championships.

Mahigit 1,600 athletes na may edad 4 hanggang 30 years old ang nagtipon para sa naturang event, na itinuturing bilang pinakamalaking taekwondo tournament sa buong rehiyon ngayong taon.

Sa ginanap na opening ceremony, ipinaabot ni Nueva Ecija Sports and Youth Development Officer Johann Ocampo ang pasasalamat sa Pamahalaang Panlalawigan, sa pamumuno nina Governor Aurelio Umali at Vice Governor Gil Raymond Umali.

Binigyang-diin din niya na si Vice Governor Umali ang nagdala at nagpalakas ng taekwondo sport sa probinsya.

Kaya dahil sa kanilang patuloy na suporta, lalong lumalawak ang mga programa para sa mga kabataan sa larangan ng palakasan.

Ibinahagi rin ni Ocampo na naging maganda ang feedback ng mga parents, coaches, at visitors sa mga pasilidad ng coliseum.

Nagustuhan aniya ng lahat ang maayos na set-up ng Nueva Ecija Coliseum pati na rin ang malawak at ligtas parking area nito.

Dahil sa matagumpay na event, inaasahan na magkakaroon pa ng mas maraming malalaking sports competition na pangungunahan ng Lalawigan ng Nueva Ecija.