Arestado ang dalawang Wanted Chinese national sa operasyon ng Bureau of Immigration sa Parañaque City.
Kinilala ang mga ito na sina Jiang Yin, 31 years old, at Li Chuang, 34-anyos. Kapwa sila wanted sa China dahil sa umano’y fraud at ilegal na online gambling operations.
Isinagawa ang operasyon noong June 16 sa pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa China. Sa operasyon, nadakip din si Wang Weixin, 32-year-old, dahil sa overstaying at Hold Departure Order.
2 WANTED CHINESE NATIONAL, INARESTO DAHIL SA TRANSNATIONAL CRIME
Ayon sa BI, sangkot sina Jiang at Li sa “Qianneng Wallet” online gambling syndicate. Nagsilbi umano silang supervisors at facilitators ng ilegal na operasyon sa kanilang bansa
.Sasailalim sa deportation proceedings sina Jiang at Li, habang immigration proceedings naman ang haharapin ni Wang.

