Ipinasa na ng Philippine Olympic Committee ang official list ng delegates para sa 2026 Asian Games na gaganapin sa Japan.

Ang 447 delegates ay lalahok sa 34 na sports.

Kabilang sa koponan ang mga defending champion, Olympic medalist, at mga bagong atleta.

Lalaban si Alex Eala sa tennis habang maglalaro si Carlos Yulo sa gymnastics.

Magbabalik din si EJ Obiena sa pole vault.

Kasama rin sa talaan sina Kayla Sanchez sa swimming, Albert delos Santos sa weightlifting, at Tachiana Mangin sa taekwondo.

Ipagtatanggol naman ng Gilas Pilipinas Men ang kanilang gintong medalya sa basketball.

Babalik din sina Annie Ramirez sa jiu-jitsu at Daniel Caluag sa BMX.

Lalahok din ang mga boksingero na sina Eumir Marcial, Nesthy Petecio, Carlo Paalam, at Aira Villegas.

Gaganapin ang paligsahan mula September 19 hanggang October 4 sa Aichi-Nagoya, Japan.

Mayroong 43 na palaro at 54 na venue sa buong kaganapan.

Tampok dito ang mga bagong laro tulad ng MMA, Padel, Teqball, Surfing, BMX Freestyle, at Virtual Taekwondo.

Ang kompetisyon ay magsisilbi ring qualifier para sa 2028 Los Angeles Olympics.

Para sa mga Filipino viewers, mapapanood ang mga laro sa Cignal TV at One Sports.