ABANDONADONG TRUCK SA CUYAPO, KARGADO NG ILLEGAL NA KAHOY

Itinurn over ng Cuyapo Police sa City Environment and Natural Resources Office ng Science City of Munoz ang 105 pieces ng iba’t ibang sizes ng Mahogany lumbers na nasamsam mula sa isang truck na natagpuan sa Cuyapo-Pangasinan Provincial Road sa Barangay Curva, Cuyapo noong March 12, 2023.

Base sa report ng pulisya, 10:30 ng gabi nang itawag sa kanila ng isang concerned citizen ang abandonadong Isuzu elf truck na kulay blue, at may plate number XLS 185.

Nadiskubre ng mga rumespondeng pulis na kargado ito ng more or less 817 board feet ng nasabing kahoy na nagkakahalaga ng tinatayang PHP35,000.00.