unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

DAGDAG-PASAHE SA TRICYCLE, HINDI RAMDAM ANG GINHAWA SA GITNA NG KALITUHAN AT MATAAS NA PRESYO NG GASOLINA

Posted by philpiccio | Apr 8, 2026 | 0

DAGDAG-PASAHE SA TRICYCLE, HINDI RAMDAM ANG GINHAWA SA GITNA NG KALITUHAN AT MATAAS NA PRESYO NG GASOLINA

DAGDAG-PASAHE: Nananatiling magulo at hindi malinaw para sa mga tricycle driver ang ipatutupad na dagdag-pamasahe dahil sa kawalan ng opisyal na taripa mula sa kinauukulan.

Ayon kay Gregorio Gotam Jr., vice president ng kanilang TODA, wala pa silang natatanggap na pormal na gabay kaya nagkakaiba-iba ang paniningil sa mga pasahero.

Samantala, sinabi naman ni Ferdinand Isidro na hindi pa niya alam kung magkano ang tamang singil dahil hindi pa niya nakikita ang sinasabing fare matrix at tanging sa social media lamang siya nakakakuha ng impormasyon.

Sa kasalukuyan, pabago-bago ang bayad ng mga pasahero na umaabot mula P40 hanggang P60, na nagdudulot ng kalituhan sa parehong driver at commuter.

Iginiit ni Gotam na kahit pa ipatupad ang taas-pamasahe, hindi pa rin ito sapat upang matapatan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, kung saan kalahati ng kita ay napupunta lamang sa krudo.

Dahil dito, nananawagan ang mga driver ng malinaw na patakaran upang maiwasan ang kalituhan at matiyak ang patas na kita sa kanilang hanapbuhay.

Share:

PreviousMAHIGIT ₱1.38M HALAGA NG ILEGAL NA SIGARILYO, NASAMSAM SA NUEVA ECIJA AT PAMPANGA
NextDOVE CRUELTY SA MALABON: SIMBAHAN, HUMINGI NG PAUMANHIN SA ISYU NG PAGGAMIT NG KALAPATI SA SALUBONG

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Pamahalaang Panlalawigan, nagsasagawa ng rehabilitation and clearing of farmlands sa Gabaldon

Pamahalaang Panlalawigan, nagsasagawa ng rehabilitation and clearing of farmlands sa Gabaldon

February 10, 2016

Hustisya para kay Fr. Richmond Nilo panawagan ng sambayanang Katoliko

Hustisya para kay Fr. Richmond Nilo panawagan ng sambayanang Katoliko

June 19, 2018

MGA NAGLINIS NG KANAL SA ZARAGOZA, TUMANGGAP NG FOODPACKS KAPALIT MULA SA DSWD

MGA NAGLINIS NG KANAL SA ZARAGOZA, TUMANGGAP NG FOODPACKS KAPALIT MULA SA DSWD

July 1, 2025

Crime volume sa Nueva Ecija, bumaba umano ng 21 Porsyento mula January-June 2018

Crime volume sa Nueva Ecija, bumaba umano ng 21 Porsyento mula January-June 2018

July 2, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .