PHP 300 NA SINGIL, IPINATUPAD NG LTO PARA SA MEDICAL EXAMINATION
Hanggang 300 pesos na lang ang pwedeng singilin ng mga medical facilities na accredited ng LTO para sa mga nag-aaplay ng student permit at driver’s license mula sa dating 500 hanggang php700, alinsunod ito sa memorandum circular number 2023-2397 ng LTO na nilagdaan ni LTO Chief Atty. Jayart Tugade.
Sakop nito ang mga bagong aplikante na magpaparehistro at kung magpapa upgrade ng lisensya.
Ang mga accredited na pasilidad na hindi susunod ay pagmumultahin ng Php10,000 hanggang Php15,000 at suspensyon ng accreditation
hanggang 180 days, pagbawi naman ng accreditors agresyon bukod pa sa pang habang buhay na diskwalipikasyon bilang accredited medical clinic health facilities sa ikatlong beses na paglabag.
Para sa mga motorist, extended ang mga na-expired na mga driver’s license April 24 hanggang October 31 2023.
Anim na buwan ang binigay na extension dahil nagkakaubusan ng ID plastic card, kapag kukuha naman ng driver’s license ay resibo lang ang ibibigay at babalik sa LTO o para magpa PC print ng ID card ito ay para maiwasan ang abala sa mga drivers.