Muling itinalaga si Senador Bam Aquino bilang chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture sa gitna ng Senate deadlock.
Kasunod ito ng pagdalo ni Senador Chiz Escudero sa plenary session nitong Miyerkules na kanyang pinuri.
Mahalaga aniya itong hakbang upang maibalik ang normal na operasyon ng Senado at maipagpatuloy ang mga pagdinig at panukalang batas.
Dahil ang patuloy na tensyon sa loob ng institusyon ay nakaaapekto sa trabaho ng mga komite at sa paghahatid ng serbisyo publiko.
Kaya nanawagan din si Aquino sa kanyang mga kasamahan na isantabi ang pulitika at unahin ang kapakanan ng mamamayan.
Sa kanyang pagbabalik, tiniyak niya ang pagpapatuloy ng mga programang pang-edukasyon, kabilang ang RLE Subsidy para sa nursing at allied health students.
Sa kabila ng mga nangyayari sa Senado, inamin niyang may positibo rin itong epekto dahil tumaas ang interes ng publiko
Kaugnay nito, hinikayat din niya ang publiko na manatiling mapagmatyag at bantayan ang mga hakbang ng kanilang mga halal na opisyal.

