unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

ALAGANG BAKA, KINATAY NANG BUHAY HABANG NAKATALI SA PUNO SA SAN MIGUEL, NUEVA ECIJA

Posted by philpiccio | Jan 28, 2026 | 0

ALAGANG BAKA, KINATAY NANG BUHAY HABANG NAKATALI SA PUNO SA SAN MIGUEL, NUEVA ECIJA

BABALA! SENSITIBONG BALITA:

Isang kalunos-lunos na insidente ang gumulat sa mga residente ng Barangay San Miguel, Guimba, Nueva Ecija, matapos matagpuang patay at kinatay ang isang alagang baka habang nakatali sa puno sa isang bukirin sa lugar.

Sa isang live video ng Kahakot TV, ipinakita ang sinapit ng baka na pagmamay-ari ng tiyuhin ng nagbahagi ng video.

Makikita sa nasabing live na buo pa ang ulo at leeg ng baka, subalit halos buto na lamang ang natira sa katawan nito, indikasyon na ito ay kinatay sa mismong lugar.

Matinding galit at sama ng loob ang naramdaman ng may-ari ng baka pati na rin ng mga nakasaksi sa pangyayari.

Ayon sa Kahakot TV, ang mga salarin ay tinawag nilang “walang puso at walang magawa sa buhay” dahil sa malupit na pagpatay sa inosenteng hayop.

ALAGANG BAKA, KINATAY NANG BUHAY HABANG NAKATALI SA PUNO SA SAN MIGUEL, NUEVA ECIJA

Samantala, ilang netizen ang nagbahagi rin ng kaparehong karanasan, kung saan ang iba ay nagsabing ang kanilang mga alagang baka ay buntis pa umano nang katayin ng hindi pa rin natutukoy na mga salarin.

Nagpayo naman ang ilan sa publiko na huwag nang iwanan sa bukid ang kanilang mga alagang hayop, dahil umano sa hirap ng buhay ay dumarami na ang gumagawa ng ganitong uri ng pagnanakaw.

Matatandaan na noong Oktubre 2025, isang insidente rin ng pagnanakaw at pagkatay ng baka ang naitala sa bayan ng Guimba, kung saan tinangay ang baka at dinala sa gitnang bahagi ng bukirin bago kinatay.

Nanawagan noon ang nagbahagi ng mga larawan na agad ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung may magbenta ng murang karne sa mga kalapit na lugar.

Umaasa ngayon ang mga may-ari ng hayop at mga kabarangay na matukoy at mahuli ang mga nasa likod ng insidenteng ito, at mabigyan ng nararapat na leksyon upang hindi na muling makapangbiktima at upang maprotektahan ang mga taong marangal na lumalaban sa hamon ng buhay.

Share:

PreviousLTO, NANAWAGAN SA MGA MAY-ARI NG 4-WHEELS NA KUNIN NA ANG REPLACEMENT PLATES
NextPBBM: ZERO BALANCE BILLING, PALALAWAKIN PARA SA MIDDLE CLASS; RECTO HINIMOK ANG DOH, PHILHEALTH

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

EAT LANG NG EAT KAKIGORI HOUSE: ANG BAGONG PABORITONG PAMPALAMIG NG MGA NOVO ECIJANO

EAT LANG NG EAT KAKIGORI HOUSE: ANG BAGONG PABORITONG PAMPALAMIG NG MGA NOVO ECIJANO

September 22, 2025

RESTAURANT SA CABANATUAN, DINARAYO DAHIL SA KANILANG MGA BOARD GAMES; RESTO, MAY PATOURNAMENT PA

RESTAURANT SA CABANATUAN, DINARAYO DAHIL SA KANILANG MGA BOARD GAMES; RESTO, MAY PATOURNAMENT PA

July 1, 2024

SINADYA UMANONG PANUNOG SA MGA JEEPNEY SA BULAON, SAN FERNANDO, INIIMBESTIGAHAN

SINADYA UMANONG PANUNOG SA MGA JEEPNEY SA BULAON, SAN FERNANDO, INIIMBESTIGAHAN

January 30, 2026

LATAK SA MGA PAANG DE-MOTOR

LATAK SA MGA PAANG DE-MOTOR

August 11, 2025

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .