unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

LTO, NANAWAGAN SA MGA MAY-ARI NG 4-WHEELS NA KUNIN NA ANG REPLACEMENT PLATES

Posted by philpiccio | Jan 28, 2026 | 0

LTO, NANAWAGAN SA MGA MAY-ARI NG 4-WHEELS NA KUNIN NA ANG REPLACEMENT PLATES

Muling pinaalalahanan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga may-ari ng apat na gulong na sasakyan na hanggang ngayon ay gumagamit pa rin ng green plates at nagbayad na ng replacement plates noong 2015.

Ayon sa ahensya, maaari nang magtungo ang mga apektadong motorista sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO upang ipasuri kung available na ang kanilang mga plaka.

Layunin ng paalala na mabawasan ang backlog sa mga hindi pa nakukuhang plaka at matiyak ang maayos na pagkakakilanlan ng mga sasakyan sa kalsada.

Paalala rin ng LTO na mahalagang updated ang plaka upang maiwasan ang abala sa checkpoints at mga transaksyon.

Hinikayat ang publiko na magdala ng kaukulang resibo at dokumento sa pag-check ng kanilang replacement plates.

Samantala, naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng isang memorandum na nag-aatas sa lahat ng aplikante ng duplicate na Certificate of Registration (CR) na magsumite ng Motor Vehicle Clearance Certificate mula sa Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Ayon sa LTO, layunin ng bagong patakaran na palakasin ang seguridad ng mga may-ari ng sasakyan at maiwasan ang paglaganap ng carnapping sa bansa.

Ang naturang clearance ay karagdagang rekisito sa mga kasalukuyang dokumentong hinihingi ng ahensya.

Agad na ipatutupad ang panuntunan at awtomatikong pinawawalang-bisa ang mga naunang kautusang taliwas dito.

Pinapayuhan ang publiko na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng LTO at PNP-HPG upang malaman ang proseso ng pagkuha ng clearance.

Share:

PreviousNUEVA ECIJA, MATATAG NA TUMITINDIG KONTRA DROGA SA TRABAHO MATAPOS APRUBAHAN ANG DRUG-FREE WORKPLACE ORDINANCE
NextALAGANG BAKA, KINATAY NANG BUHAY HABANG NAKATALI SA PUNO SA SAN MIGUEL, NUEVA ECIJA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Singil ng Telcos sa tawag at text messages sa ibang network,  pinababawasan ng NTC

Singil ng Telcos sa tawag at text messages sa ibang network, pinababawasan ng NTC

July 20, 2018

AAP TUTOL SA 5-TAONG BISA NG REHISTRO NG SASAKYAN; DOTR, IPINALIWANAG ANG PANUKALA

AAP TUTOL SA 5-TAONG BISA NG REHISTRO NG SASAKYAN; DOTR, IPINALIWANAG ANG PANUKALA

February 7, 2026

PINAG-ADJUST SA PICTURE: INEDIT NA PICTURE SA ISANG BINYAG, KINAALIWAN NG NETIZENS

PINAG-ADJUST SA PICTURE: INEDIT NA PICTURE SA ISANG BINYAG, KINAALIWAN NG NETIZENS

August 26, 2023

PNP, GCASH, PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO SA PAGGAMIT NG PUBLIC WIFI DAHIL SA CYBER THREATS

PNP, GCASH, PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO SA PAGGAMIT NG PUBLIC WIFI DAHIL SA CYBER THREATS

May 29, 2024

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .