unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

DepEd, SINIMULAN ANG MAAGANG PAGPAPAREHISTRO PARA SA SY 2026-2027

Posted by philpiccio | Feb 4, 2026 | 0

DepEd, SINIMULAN ANG MAAGANG PAGPAPAREHISTRO PARA SA SY 2026-2027

Sinimulan na ng Department of Education o DepEd ang nationwide early registration para sa School Year 2026–2027 bilang paghahanda sa darating na pasukan.

Batay sa opisyal na Facebook post ng DepEd, hinihikayat ang mga magulang at guardian ng mga batang papasok sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11 na makipag-ugnayan sa kanilang napiling pampublikong paaralan upang maitala ang kanilang mga anak.

Ayon sa DepEd, layunin ng maagang pagpaparehistro na matukoy ang inaasahang dami ng mga mag-aaral sa susunod na school year. Makakatulong ito sa mas maayos na pagpaplano sa bilang ng guro, silid-aralan, learning materials, at iba pang kinakailangang pasilidad sa mga pampublikong paaralan.

Isinasagawa ang early registration mula January 31 hanggang February 27, 2026, alinsunod sa DepEd Order No. 17, s. 2025, na nagtatakda ng mga patakaran at proseso para sa aktibidad.

Partikular na binigyang-diin ng DepEd ang kahalagahan ng maagang pagpaparehistro sa mga mataong lugar, gaya ng National Capital Region, kung saan karaniwang mataas ang bilang ng mga nag-e-enroll sa mga pampublikong paaralan.

Pinapayuhan ang mga magulang at guardian na direktang makipag-ugnayan sa papasukang paaralan para sa schedule at mga kinakailangang dokumento.

Para sa karagdagang detalye, maaaring bisitahin ang opisyal na Facebook page at website ng DepEd.

Share:

PreviousASAWA NG PINATAY NA PULIS KASAMA ANG ANAK, NANANATILING ‘PERSON OF INTEREST
NextINANG KASAMBAHAY, LABANDERA, NAITAGUYOD ANG BUNSONG ANAK NA NAKATAPOS NG ELECTRICAL ENGINEERING

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

4 na resolusyon ng Licab na humihiling ng endorsement sa mga Senador, pinukpukan ng SP

4 na resolusyon ng Licab na humihiling ng endorsement sa mga Senador, pinukpukan ng SP

October 4, 2022

Lunar Eclipse, maliit ang tyansang makita dahil sa Habagat

Lunar Eclipse, maliit ang tyansang makita dahil sa Habagat

July 27, 2018

TATLONG ARAW NA TIGIL PASADA, ISINAGAWA NATIONWIDE STRIKE NG TRANSPORT GROUP

TATLONG ARAW NA TIGIL PASADA, ISINAGAWA NATIONWIDE STRIKE NG TRANSPORT GROUP

May 1, 2024

ARAWANG ALLOWANCE NG AFP, GINAWANG P350

ARAWANG ALLOWANCE NG AFP, GINAWANG P350

March 20, 2025

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .