unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

MGA MAGSASAKA NG SIBUYAS, UMAAPELA NG TAMANG TIMING NG IMPORTASYON SA PANAHON NG ANIHAN

Posted by philpiccio | Mar 4, 2026 | 0

MGA MAGSASAKA NG SIBUYAS, UMAAPELA NG TAMANG TIMING NG IMPORTASYON SA PANAHON NG ANIHAN

Umapela ang mga lokal na magsasaka ng sibuyas mula sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija, na kilala bilang Onion Capital Of The Philippines, sa pamahalaan na huwag sanang isabay ang pagpasok ng imported na sibuyas tuwing panahon ng anihan sa bansa.

Ayon kay Enrico Cabuhat, sampung taon nang nagtatanim ng sibuyas, malaki ang epekto ng sabayang importasyon sa farmgate price na siyang nagpapababa sa kita ng mga magsasaka.

Aniya, bagamat may pagkakataong kumikita nang malaki sa sibuyas, madalas din umano silang nalulugi lalo na kapag bumabagsak ang presyo at tinatamaan pa ng harabas ang ani.

Umaabot sa mahigit P250,000 ang puhunan sa bawat ektarya kaya’t mabigat ang epekto kapag hindi nabawi ang kapital at napipilitang umutang sa mataas na interes.

Sa kabila nito, patuloy pa rin silang nagtatanim dahil ito na ang pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng panggastos sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Hiniling din ng mga magsasaka sa mga mamimili na suportahan ang lokal na sibuyas upang matiyak ang tuloy-tuloy na produksyon sa bansa.

Iginiit nila na hindi sila tutol sa importasyon, ngunit sana’y isaalang-alang ang tamang timing upang hindi malugi ang mga lokal na magsasaka.

Share:

Previous“BLOOD MOON” INIUUGNAY NG ILAN SA MGA HULA SA BIBLIYA
NextILEGAL NA DROGA, SMUGGLED NA SIGARILYO, NASAMSAM SA CENTRAL LUZON

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Mga may-ari ng lupa sa Peñaranda at Gapan, nakipagkasundo sa Pamahalaang Panlalawigan para sa bypass road project

Mga may-ari ng lupa sa Peñaranda at Gapan, nakipagkasundo sa Pamahalaang Panlalawigan para sa bypass road project

September 4, 2018

Pamilya ng itinuturong Gunman sa pagpaslang kay Fr. Nilo, nananawagan ng tulong

Pamilya ng itinuturong Gunman sa pagpaslang kay Fr. Nilo, nananawagan ng tulong

June 21, 2018

PROGRAMANG PTK, PATUNGKOL UMANO SA PANANAMPALATAYA, PAG-ASA AT PAG-IBIG AYON KAY SENATOR ALLAN PETER CAYETANO

PROGRAMANG PTK, PATUNGKOL UMANO SA PANANAMPALATAYA, PAG-ASA AT PAG-IBIG AYON KAY SENATOR ALLAN PETER CAYETANO

May 21, 2015

Drug Rehab ng Provincial Government ng Nueva Ecija, nangangailangan ng karagdagang 37 empleyado

Drug Rehab ng Provincial Government ng Nueva Ecija, nangangailangan ng karagdagang 37 empleyado

October 21, 2019

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .