Nadiskubre ng mga awtoridad ang smuggled footwear na nagkakahalaga ng tinatayang ₱25 milyon sa isang bodega.
Isinagawa ang operasyon noong Marso 4, 2026 sa Brgy. Calantipe, Apalit, Pampanga.
Pinangunahan ang operasyon ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng CIIS-ESS (Customs Intelligence and Investigation Service – Enforcement and Security Service) Limay, Bataan.
Nakipag-ugnayan din ang Philippine National Police units mula sa Pampanga Police Provincial Office, RSOG (Regional Special Operations Group ) PRO3, at Apalit Municipal Police.
Sa inspeksyon, natagpuan ang iba’t ibang smuggled footwear na may markang Crocs.
Tinatayang aabot sa ₱25,000,000 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang produkto.
Pinaniniwalaang ipinasok sa bansa ang mga ito nang walang sapat na dokumento.
Patuloy na ginagawa ng Bureau of Customs ang inventory, dokumentasyon, at iba pang legal na proseso.
Ayon kay Police Region 3 Director Jess B Mendez, mahalaga ang koordinasyon ng mga ahensiya laban sa smuggling.
Nakakatulong aniya ang operasyon upang maprotektahan ang ekonomiya at legal na negosyo sa bansa.

