Pinaigting ng Police Regional Office 3 (PRO-3) ang internal cleansing. Kaya nalutas na umano ang 73 administrative cases laban sa 98 na pulis mula January 1 hanggang April 30.
Batay sa mga rekord, 13 personnel ang dismissed from the service, habang 36 ang nasuspinde. Mayroon ding 17 na exonerated o napatunayang walang sala, lima ang nakatanggap ng reprimand, at dalawa ang demoted.
INTERNAL CLEANSING, NAGPAPATIBAY NG POLICE ACCOUNTABILITY SA CENTRAL LUZON
Kinasangkutan ito ng 20 commissioned officers, 77 non-commissioned officers, at isang non-uniformed personnel.
Ayon kay PRO-3 Director Brig. Gen. Jess Mendez, pangunahing prayoridad ang pagpapanatili ng disiplina sa kanilang hanay. Ito’y upang masiguro ang isang credible at effective policing system.

