unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

DIESEL AT GASOLINA, INAASAHANG BABABA NG ₱7-10 SA OIL EXCISE TAX SUSPENSION

Posted by philpiccio | Mar 24, 2026 | 0

DIESEL AT GASOLINA, INAASAHANG BABABA NG ₱7-10 SA OIL EXCISE TAX SUSPENSION

Tututukan ni Senador Bam Aquino ang oil excise tax suspension upang matiyak na mararamdaman ng publiko ang pagbaba ng presyo ng diesel at gasolina.

Ayon kay Aquino, mahalagang masigurong direktang napapakinabangan ng mamamayan ang oil excise tax suspension. Dahil ang pagtaas ng presyo ng krudo ay nagdudulot din ng pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Target ng panukala na makatulong sa transport sector, maliliit na negosyo o MSMEs at mga manggagawa.

Sa ilalim ng panukala, maaaring bumaba ang presyo ng:

Diesel ng hanggang ₱10 kada litro
Gasolina ng hanggang ₱7 kada litro

Aprubado na sa kamara ang panukalang Senate Bill No. 1982 bilang susog sa House Bill No. 8418. Kaya hindi na kakailanganin ang isang bicameral conference committee. Hinihintay na lamang ang pirma ng Pangulo upang maging ganap itong batas.

Binigyang-diin din ni Aquino na magbabantay ang Senado sa mga oil companies. Ito ay para matiyak na ang pagbaba ng buwis ay makikita sa presyo sa mga gasolinahan.

Sa gitna ng krisis sa Middle East, nananawagan ang senador ng agarang aksyon upang maprotektahan ang kabuhayan ng mga Pilipino at maiwasan ang pagsasara ng mga negosyo.

Share:

PreviousCHINA-TAIWAN TENSION: WALANG PLANONG GIYERA SA 2027
NextBAGONG PAG-ASA AT KUMPIYANSA, HATID NG LIBRENG OPERASYON SA MGA NOVO ECIJANO

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

QUOTA SYSTEM SA MGA PULIS, INALIS NA NG PNP

QUOTA SYSTEM SA MGA PULIS, INALIS NA NG PNP

August 19, 2023

IKALAWANG TAAS PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, IKINASA NGAYONG LINGGO NG MGA KOMPANYA NG LANGIS

IKALAWANG TAAS PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, IKINASA NGAYONG LINGGO NG MGA KOMPANYA NG LANGIS

January 15, 2025

Digong no-show sa EDSA anniv. pero nanawagan ng pagkakaisa

Digong no-show sa EDSA anniv. pero nanawagan ng pagkakaisa

February 26, 2018

Unang sigaw para sa kalayaan at katotohanan

Unang sigaw para sa kalayaan at katotohanan

July 23, 2014

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .