unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

BAGONG PAG-ASA AT KUMPIYANSA, HATID NG LIBRENG OPERASYON SA MGA NOVO ECIJANO

Posted by philpiccio | Mar 24, 2026 | 0

BAGONG PAG-ASA AT KUMPIYANSA, HATID NG LIBRENG OPERASYON SA MGA NOVO ECIJANO

BAGONG PAG-ASA AT KUMPIYANSA: Hindi lang basta medical procedure ang naganap sa Gen. Tinio Medicare & Community Hospital, kundi pagtatapos ng maraming taon ng pagtitiis para sa ilang Novo Ecijano.

Sa programang Surgical Caravan ng Kapitolyo sa ilalim ng pamumuno nina Governor Oyie Umali at Vice Governor Lemon Umali, muling naghatid ng libreng operasyon ang programa para sa mga kababayang nangangailangan ng tulong medikal.

Sa loob ng tatlong taon, madalas ay suot ni Jin ang kanyang sumbrero.

Hindi dahil sa fashion, kundi dahil ito ang nagsisilbing panangga niya para itago ang cyst sa kanyang ulo.

Sa unang pagkakataon na naglakas-loob siyang magpatingin, hindi niya akalaing mabibigyan siya ng pagkakataon na maoperahan at matapos ang kanyang pagtatago.

Samantala, mahabang pagtitiis naman ang dinanas ni Wilfredo na may bukol simula pa noong 2004.

Dahil sa kakulangan ng pinansyal, mahigit dalawang dekada siyang naghintay ng pagkakataon na maoperahan nang libre.

Maging si Ken, na may “salapi” o sobrang daliri, ay nabigyan din ng kumpiyansa matapos ang operasyon.

Ang programang ito ay bahagi pa rin ng health program ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Health Office.

Sa halip na ang pasyente ang bumiyahe nang malayo, ang operasyon na mismo ang inilalapit sa mga district hospitals para masigurong bawat distrito ay may access sa libreng serbisyong medikal.

Nakatakdang magpatuloy ang Surgical Caravan sa iba pang bahagi ng Nueva Ecija upang matulungan ang mas marami pang Novo Ecijano na nangangailangan ng libreng operasyon.

Share:

PreviousDIESEL AT GASOLINA, INAASAHANG BABABA NG ₱7-10 SA OIL EXCISE TAX SUSPENSION
NextPINANSYAL NA TULONG NG PGNE SA MGA ISKOLAR, PAMBAYAD SA TUITION NG SUSUNOD NA SEMESTER

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

NUEVA ECIJA, MULING MAGLALARO SA NATIONAL BASKETBALL LEAGUE; UNANG LABAN, ABANGAN SA SEPT. 1, 2024

NUEVA ECIJA, MULING MAGLALARO SA NATIONAL BASKETBALL LEAGUE; UNANG LABAN, ABANGAN SA SEPT. 1, 2024

August 20, 2024

NE-TV48 News Update 04/04/2017

NE-TV48 News Update 04/04/2017

April 4, 2017

1st Sibuyas Fest. King & Queen 2017, naiuwi ng  Barangay  Tulay na Bato at Barangay Santor

1st Sibuyas Fest. King & Queen 2017, naiuwi ng  Barangay  Tulay na Bato at Barangay Santor

April 12, 2017

1.4 Million ilalaan ng LGU ng Gabaldon kontra Dengue

1.4 Million ilalaan ng LGU ng Gabaldon kontra Dengue

August 14, 2019

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .