unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

PINANSYAL NA TULONG NG PGNE SA MGA ISKOLAR, PAMBAYAD SA TUITION NG SUSUNOD NA SEMESTER

Posted by philpiccio | Mar 25, 2026 | 0

PINANSYAL NA TULONG NG PGNE SA MGA ISKOLAR, PAMBAYAD SA TUITION NG SUSUNOD NA SEMESTER

Umaabot sa mahigit 330 estudyante sa bayan ng Santa Rosa ang tumanggap ng tig-P2,500 na pinansyal na tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija bilang bahagi ng Educational Financial Assistance Program para sa unang semestre ng School Year 2025–2026.

Ayon sa ilang benepisyaryo, ilalaan nila ang natanggap na halaga bilang pandagdag sa pambayad ng tuition sa susunod na semestre, bukod sa iba pang gastusin sa pag-aaral.

Hinimok naman ng pamahalaang panlalawigan ang mga iskolar na pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang mapanatili ang kanilang scholarship.


Isa sa mga benepisyaryo si John Constantine Castro, fourth year college student mula sa Central Luzon State University o CLSU, na tumatanggap ng scholarship mula unang taon hanggang kasalukuyan.

Ayon sa kanya, naging hamon sa kanyang pag-aaral ang kakulangan sa pananalapi.

Samantala, ibinahagi ng isang first year student mula sa Holy Cross College o HCC ang kanyang karanasan bilang iskolar.

Ayon sa kanya, nagagamit niya ang natanggap bilang suporta sa kanyang bayarin sa paaralan.

Nagbahagi rin si Angel Kim Bautista, first year BSBA student mula sa Araullo University o AU, ng kanyang sitwasyon.
Ayon sa kanya, nakatutulong ang natanggap na halaga sa kanyang gastusin sa paaralan.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang iskolar ng bayan sa educational financial assistance program na kanilang natanggap.

Ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa edukasyon ay bahagi ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija para sa mga estudyante sa lalawigan, sa pamumuno nina Gov. Aurelio “Oyie” Umali at Vice Gov. Emmanuel “Kuya Lemon” Umali.

Share:

PreviousBAGONG PAG-ASA AT KUMPIYANSA, HATID NG LIBRENG OPERASYON SA MGA NOVO ECIJANO
NextPAGTAAS NG PRESYO NG BIGAS, RAMDAM SA PAMILIHAN; MAMIMILI AT NEGOSYANTE, APEKTADO

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

SSS, hinikayat ang mga pribadong kompanya na maghulog ng tamang kontribusyon ng kanilang mga empleyado

SSS, hinikayat ang mga pribadong kompanya na maghulog ng tamang kontribusyon ng kanilang mga empleyado

January 12, 2017

Cabanatuan Senior Citizens Association, masayang ipinagdiwang ang ika-10 anibersaryo ng kanilang samahan

Cabanatuan Senior Citizens Association, masayang ipinagdiwang ang ika-10 anibersaryo ng kanilang samahan

April 30, 2019

137th Founding Anniversary ng bayan ng Zaragosa, ipinagdiwang

137th Founding Anniversary ng bayan ng Zaragosa, ipinagdiwang

April 23, 2015

WILLIAM LAPUZ, TINANGHAL BILANG PINAKAMAKISIG NA GINOO SA BAYAN NG CABIAO NGAYONG 2017

WILLIAM LAPUZ, TINANGHAL BILANG PINAKAMAKISIG NA GINOO SA BAYAN NG CABIAO NGAYONG 2017

February 14, 2017

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .