unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

₱6.6-M Halaga ng Ilegal at Expired na Pagkain Nasamsam sa Bulacan at Tarlac

Posted by philpiccio | Mar 27, 2026 | 0

₱6.6-M Halaga ng Ilegal at Expired na Pagkain Nasamsam sa Bulacan at Tarlac

Nasamsam ng mga awtoridad ang humigit-kumulang ₱6.6 milyong halaga ng ilegal at expired na produktong pagkain sa magkahiwalay na operasyon sa Bulacan at Tarlac.

Dalawang indibidwal ang naaresto kaugnay ng nasabing operasyon.

Ayon sa Police Regional Office Region 3 (PRO-3), layunin ng operasyon na protektahan ang kalusugan ng publiko.

Bahagi rin ito ng kampanya upang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili sa Central Luzon.

Noong Marso 25, 2026, nagsagawa ng inspeksyon sa isang bodega sa Brgy. Patubig, Marilao, Bulacan.

Expired na Pagkain Nasamsam sa Bulacan at Tarlac

Pinangunahan ito ng Regional Intelligence Division–Regional Special Operations Group 3 (RID-RSOG3).

Nakatuwang din ang Food and Drug Administration (FDA) Regional Field Office 3 at iba pang ahensya.

Kasama sa operasyon ang CIDG Bulacan, Marilao Police Station, at lokal na tanggapan.

Sa nasabing inspeksyon, inaresto ang isang 22-anyos na Chinese national na warehouse manager.

Kinasuhan siya ng paglabag sa Consumer Act of the Philippines at Food Safety Act.

Dahil natuklasan sa bodega ang mga imported na produktong pagkain.

Kabilang dito ang cured meat, langis, sarsa, bamboo shoots, noodles, at syrup na ilan ay expired na.

Share:

PreviousMAS MAAYOS NA KLASE, HATID NG BAGONG 2-STOREY BUILDING SA SAPANG BUHO ES
NextBAGSAK-PRESYO NG SIBUYAS SA NUEVA ECIJA, GINHAWA SA MGA MAMIMILI

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

MOTORNAPPER, PATAY MATAPOS TUGISIN AT MAKIPAG-BARILAN SA MGA PULIS SA CABANATUAN CITY

MOTORNAPPER, PATAY MATAPOS TUGISIN AT MAKIPAG-BARILAN SA MGA PULIS SA CABANATUAN CITY

December 21, 2024

NANGUNGUHA NG BATA SA GAPAN CITY, TOTOO BA?

NANGUNGUHA NG BATA SA GAPAN CITY, TOTOO BA?

February 19, 2025

₱24-Milyong Ilegal na Droga Nakumpiska sa Central Luzon sa Isang Buwang Pinalakas na Police Operations

₱24-Milyong Ilegal na Droga Nakumpiska sa Central Luzon sa Isang Buwang Pinalakas na Police Operations

February 6, 2026

MGA PULIS NG NUEVA ECIJA NA INASSIGN SA RALLY SA MENDIOLA, SUGATAN

MGA PULIS NG NUEVA ECIJA NA INASSIGN SA RALLY SA MENDIOLA, SUGATAN

September 24, 2025

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .