unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

BAGSAK-PRESYO NG SIBUYAS SA NUEVA ECIJA, GINHAWA SA MGA MAMIMILI

Posted by philpiccio | Mar 27, 2026 | 0

BAGSAK-PRESYO NG SIBUYAS SA NUEVA ECIJA, GINHAWA SA MGA MAMIMILI

BAGSAK-PRESYO NG SIBUYAS: Sa Talavera, Nueva Ecija, kapansin-pansin ang pagbaba ng presyo ng sibuyas na direkta nang ibinebenta sa mga roadside stall sa Bakal Tres.

Ayon sa tindera na si Vanessa Gonzaga, nasa P350 ang bawat bag o sampung kilo ng puting sibuyas; P250 hanggang P550 naman ang isang bag o 10 kilo rin ng pulang sibuyas, depende sa laki. Habang, P50 hanggang P70 naman ang kada kilo.

Maliban sa sibuyas, mabibili rin ang iba pang produktong agrikultural tulad ng manggang kalabaw na naglalaro sa P50 hanggang P80 kada kilo at imported na bawang na nasa P140 kada kilo.

BAGSAK-PRESYO NG SIBUYAS SA NUEVA ECIJA, GINHAWA SA MGA MAMIMILI

Mayroon ding iba pang gulay at prutas gaya ng repolyo, pipino, at kamoteng baging na abot-kaya ang presyo dahil mabibili lamang ito sa halagang P50 ang kada kilo.

Ayon kay Gonzaga, bagama’t hindi nila gaanong nararamdaman ang pagtaas ng produktong petrolyo dahil hindi naman aniya sila madalas na gumagamit nito. Gayun pa man, hindi pa rin sumasapat ang kanilang kita para makatugon sa kanilang mga pangangailangan.

Samantala, bukas ang kanilang tindahan ng 24 oras kaya’t mas napapadali ang pagbili ng sariwang ani ng mga lokal na magsasaka. Patuloy namang hinihikayat ang publiko na suportahan ang mga lokal na produkto.

Share:

Previous₱6.6-M Halaga ng Ilegal at Expired na Pagkain Nasamsam sa Bulacan at Tarlac
NextDEPED SCHOOL CALENDAR, NILINAW ANG BAGONG SETUP SA PUBLIC SCHOOLS

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

BIGTIME DAGDAG PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, IKINASA NG MGA KOMPANYA NG LANGIS

BIGTIME DAGDAG PRESYO NG PRODUKTONG PETROLYO, IKINASA NG MGA KOMPANYA NG LANGIS

July 19, 2023

Day-Care workers ng Zaragoza, wagi sa DSWD-Region III Chorale Competition 2018

Day-Care workers ng Zaragoza, wagi sa DSWD-Region III Chorale Competition 2018

June 20, 2018

Puting sibuyas, hindi mabibili sa pansamantalang palengke ng Cabanatuan City

Puting sibuyas, hindi mabibili sa pansamantalang palengke ng Cabanatuan City

September 16, 2022

Mga magsasaka , masaya sa patuloy na pagbili ng Provincial Food Council ng kanilang ani sa mas mataas na presyo

Mga magsasaka , masaya sa patuloy na pagbili ng Provincial Food Council ng kanilang ani sa mas mataas na presyo

October 18, 2019

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .