P198 PIZZA NA FRESH: Patuloy na dinarayo ng mga pizza lovers sa Cabanatuan City ang My Dough Dreams Pizza dahil sa sari-saring flavor na swak sa panlasa at budget ng mga customer.
Ayon kay Ryan Santiago, may-ari ng nasabing negosyo, ang kaibahan ng kanilang pizza ay palaging bago at freshly made, dahilan kung bakit binabalik-balikan ito ng kanilang mga suki.
Kabilang sa kanilang inaalok ang Shawarma Pizza na nagkakahalaga ng P348 at ang premium na Crab and Shrimp Pizza na nasa P408.
Mabibili rin ang Jalapeño Pizza sa halagang P308 at Hungarian Pizza sa P318, habang patok din ang Hawaiian Pizza sa P278 at ang All-Time Cheese Pizza na P198.
P198 PIZZA NA FRESH ARAW-ARAW?
Bukod dito, tampok din sa kanilang menu ang Chicken Spinach Pizza, Supreme All Meat Pizza, All Veggies Pizza, Pepperoni Pizza, at Honey Mustard Bacon Pizza na swak para sa buong pamilya.
Dahil sa kombinasyon ng kalidad at abot-kayang presyo, patuloy na tumatatak ang My Dough Dreams Pizza sa mga mamimili.
Matatagpuan ang kanilang tindahan sa Purok 1 Mulawin, Bitas, Cabanatuan City, Nueva Ecija, katabi ng Puno’s Ice Cream, at maaari ring tumawag sa 0965-491-9559 para sa mga order.

