unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

Wooden Treadmill Ng Iloilo Athlete, Viral Dahil Sa Diskarte At Tipid-Kuryente

Posted by philpiccio | May 3, 2026 | 0

Wooden Treadmill Ng Iloilo Athlete, Viral Dahil Sa Diskarte At Tipid-Kuryente

Sa panahon ng mahal na kuryente, isang wooden treadmill ang nagbibigay ng bagong pag-asa sa home workout ngayon.
Si John Leadro Malojo, 22, ay isang student-athlete mula Iloilo na gumawa ng treadmill na hindi gumagamit ng kuryente.

Dahil dito, mas naging praktikal ang kanyang training kahit umuulan at hindi na kailangang lumabas ng bahay araw-araw.
Una, nahirapan siyang mag-ensayo dahil sa masamang panahon kaya naman naghanap siya ng alternatibo online upang makapagpatuloy nang maayos.

Doon niya nakita ang manual treadmill design mula India ngunit sa halip na kopyahin ito, pinili niyang pagandahin pa.
Hindi basta ordinaryo ang kanyang imbensyon dahil binago niya ang disenyo para maging mas tahimik lalo na sa loob.

Mahalaga ito lalo na sa loob ng bahay upang hindi makaabala sa ibang tao habang ginagamit ang treadmill araw-araw.
Bukod dito, gumamit siya ng mahogany at marine plywood at nilagyan din niya ng higit 60 stainless steel bearings.

Dahil dito, mas smooth ang galaw ng makina kaya komportabler gamitin para sa walking, jogging, at running sessions.

May iba’t ibang bersyon din ang kanyang produkto, may walking pad para sa light exercise at may treadmill para sa sprint at high-intensity training.

Wooden Treadmill Ng Iloilo Athlete, Viral Dahil Sa Diskarte At Tipid-Kuryente

Mayroon ding bersyon para sa aso upang manatiling aktibo ang mga alagang hayop kahit nasa loob lamang ng bahay.

Dahil manual ang sistema, walang konsumo sa kuryente ang kagamitan kaya naman malaking tipid ito para sa mga gumagamit.
Ayon kay Malojo, nakadepende sa user ang bilis ng treadmill kaya sumusunod ang makina sa galaw ng tumatakbo.

Kapag bumilis ka, susunod ang makina at kapag bumagal ka naman ay babagal din ito ayon sa galaw mo. Dahil dito, mas natural ang takbo kumpara sa electric treadmill kaya mas ramdam ang control at sariling pacing.

Samantala, nag-viral ang kanyang video online at umabot ito sa milyon-milyong views kaya dumami ang orders mula iba’t ibang lugar sa bansa.

Simula Pebrero, katuwang niya ang kanyang kapatid sa paggawa at nakabenta na sila ng 15 units na treadmill.

Mayroon pang 10 na kasalukuyang ginagawa kaya patuloy ang kanilang prtoduksyon upang matugunan ang demand ng customers ngayon.

Ang bawat treadmill ay hand-mad at inaangkop ito sa gusto ng customer kaya maaari rin itong ipadala sa iba’t ibang lugar.

Sa kabila ng tagumpay, malinaw ang kanyang layunin na makapasok sa Philippine National Team bilang isang marathoner balang araw.

Ginagamit niya ang kita para sa training at nutrisyon habang sinusuportahan din nito ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

Sa huli, ipinapakita ng kanyang kwento na ang diskarte ay susi sa tagumpay at hindi hadlang ang kakulangan sa resources.

Sa halip, maaari itong maging inspirasyon para magtagumpay at magsumikap pa lalo ang ibang kabataan sa kanilang pangarap

Share:

PreviousMATAAS NA SINGIL SA KURYENTE, PINAIIMBESTIGAHAN PARA PROTEKTAHAN ANG MIDDLE CLASS
NextMAHIGIT 1,000 JOBSEEKERS, DUMAGSA SA LABOR DAY JOB FAIR SA NUEVA ECIJA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

BATA SA PERU, NAKALUNOK NG CRUCIFIX

BATA SA PERU, NAKALUNOK NG CRUCIFIX

December 6, 2023

“DAKILANG GURO INSPIRATIONAL VIDEO CONTEST”, INILUNSAD NG DEPED NUEVA ECIJA

“DAKILANG GURO INSPIRATIONAL VIDEO CONTEST”, INILUNSAD NG DEPED NUEVA ECIJA

September 28, 2025

SANG AYON KA BA SA PAGTANGGAL NG MGA DESIGN SA LOOB NG CLASSROOM?

SANG AYON KA BA SA PAGTANGGAL NG MGA DESIGN SA LOOB NG CLASSROOM?

September 8, 2023

PINAKA MURANG SAPATOS PANG REGALO NGAYONG PASKO, MABIBILI SA SHOE –CASSA FOOTWEAR

PINAKA MURANG SAPATOS PANG REGALO NGAYONG PASKO, MABIBILI SA SHOE –CASSA FOOTWEAR

December 3, 2022

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .