Natural hydrogen service contract ang hiling ni Mayor Arvin Rolly Antipolo para sa bayan ng San Antonio, Zambales. Sa kasalukuyan, nais ng lokal na pamahalaan na mapasama sa mga lugar na binigyan na ng pahintulot ng gobyerno.
Ang hakbang na ito ay para pormal na buksan ang Nagsasa Seep na matatagpuan sa bayan ng San Antonio para sa mga malalaking investment.
Inaasahan din na ang kontratang ito ay magdadala ng mas maraming trabaho at oportunidad sa kanilang mga residente.
Ang Natural Hydrogen Service Contract ang susi para mapakinabangan ang 808 tonelada ng gas na lumalabas sa Nagsasa Seep.
Bukod dito, ang dami ng natural hydrogen sa lugar na ito ay isa sa mga pinakamataas sa buong mundo.
Kaya naman, pursigido ang lokal na pamahalaan na makakuha ng permit para sa itatayong hydrogen power plant sa lalawigan.
NATURAL HYDROGEN SA NAGSASA SEEP, MAS MURA
Ang Natural Hydrogen Service Contract ay magbibigay daan sa produksyon ng enerhiya na nagkakahalaga ng US$1 kada kilo. Dahil dito, maraming energy analysts ang bilib sa potensyal nito bilang isang low-emission at eco-friendly na source.
Higit sa lahat, ang proyektong ito ay mas mura kumpara sa paggamit ng fossil fuels o electrolysis.
NATURAL HYDROGEN, MALAKING TULONG SA BUONG BANSA
Sa kasalukuyan, nagbigay na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mga contract sa Northern Zambales at sa Southern Pangasinan.
Gayunpaman, patuloy ang pakikipag-usap ni Mayor Antipolo sa national government upang magkaroon din ng sariling legal na kontrata.

