Patok ngayon sa mga mamimili sa Cabanatuan City ang bagsak-presyong singkamas at matatamis na pakwan ngayong panahon ng tag-init.
Sa Amang Daisy Fruits Dealer sa Barangay Sangitan Public Market, mabibili ang singkamas na mula pa sa Tarlac sa halagang P20 hanggang P60 kada tali.
Ayon sa Amang Daisy, mabenta ngayon ang singkamas dahil ito ay abot-kaya at nakakapresko kainin lalo na sa mainit na panahon.
Samantala, mabibili naman sa halagang P100 hanggang P200 bawat piraso ang Sugar Baby Max variety ng pakwan na sariling ani mula sa Nueva Ecija.
Dinadayo rin umano ng mga mamimili ang pwesto dahil sa sariwa at matatamis na prutas na kanilang ibinebenta.

