BABALA SENSITIBONG BALITA! — PEKENG SIGARILYO
Nasamsam sa operasyon ng NEPPO noong Mayo 7 ang mahigit P237,000 na halaga ng smuggled at sigarilyo.
Ayon kay Police Colonel Ritchie Claravall, apat na indibidwal ang naaresto sa nasabing police operations sa Nueva Ecija.
Magkakahiwalay ang Oplan Sita, entrapment, at checkpoint operations na ginawa ng Gapan City, Bongabon, Jaen, at Quezon Police Stations.
SMUGGLED, PEKENG SIGARILYO, NASAMSAM SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERATIONS
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 132 reams ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P117,440.
Kabilang sa mga brand ang More, Far Star Kingsize, Golden Leaf, Gift, Modern Red, R.G.D., Black Modern, at Platinum Seven.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act at iba pang batas.
Samantala, 112 reams ng pekeng sigarilyo ang boluntaryong isinuko ng concerned citizens sa iba’t ibang police stations.
Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng P119,610.

