Pekeng Sigarilyo – Patuloy ang kampanya ng Nueva Ecija Police Provincial Office laban sa bentahan ng mga pekeng produkto.
Noong June 8, 2026, tumanggap ng mga isinukong sigarilyo ang Llanera Municipal Police Station.
Mula ito sa isang 51-anyos na may-ari ng sari-sari store sa Brgy. Inanama.
Kabilang sa isinuko ang sampung ream ng Chairman Light cigarettes.
May tatlong ream din ng Modern, isang ream ng Dunston, at isang ream ng Carnival cigarettes.
Tinatayang nagkakahalaga ng ₱7,200 ang mga nasabing produkto.
MGA PEKENG SIGARILYO, ISINUKO SA MGA PULIS SA LLANERA AT PEÑARANDA
Samantala, kusang nagtungo sa Peñaranda Municipal Police Station ang isang 41-anyos na vendor.
Ang vendor ay residente ng Brgy. San Mariano, Peñaranda, Nueva Ecija. Isinuko niya ang limang ream ng Golden Bird cigarettes.
Tinatayang nagkakahalaga ng ₱3,000 ang mga isinukong sigarilyo.
Nasa kustodiya na ng mga himpilan ng pulisya ang mga nakuhang produkto.
Isinailalim ang mga ito sa wastong dokumentasyon at disposisyon.

