Isang pulis arestado sa ilegal na droga matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation ng Police Regional Office 3 noong May 12 sa Pampanga.
Kinilala ang suspek na 28-year-old patrolman mula sa Mexico Police Station. Dinakip siya sa Purok singko, Barangay San Jose sa lungsod ng San Fernando.
Ayon sa mga awtoridad, nakumpiska mula sa kanya ang tinatayang 105 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng higit pitong daang libong piso.
Pinangunahan ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Pampanga Police Provincial Office ang operasyon, katuwang ang iba pang law enforcement agencies.
PULIS ARESTADO SA ILEGAL NA DROGA; ₱714K SHABU, NAKUMPISKA
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay Police Regional Director Jess Mendez, patunay ang operasyon na walang sinuman ang above the law.
Dagdag pa niya, magpapatuloy ang internal cleansing at anti-drug operations upang mapanatili ang integridad ng Philippine National Police.

