Babala! Sensitibong Balita:
Nakatakdang ilibing bukas ang J&T rider na namatay sa aksidente noong June 29, 2026. Nasabit sa 10-wheeler truck ang kanyang motorsiklo sa Brgy. La Fuente, Sta. Rosa. Nagulungan ang kanyang ulo, na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nakaburol ang mga labi ng biktimang si Wendell “Big Boy” Villantes, 24, sa kanilang tahanan sa Brgy. Malabon, Jaen.
RIDER, BREADWINNER NG PAMILYA
Ayon sa mga kaibigan at pamilya, siya ang breadwinner ng kanilang tahanan.
Siya ang tumutustos sa gastusin at nagpapaaral sa kanyang kapatid.
Kumakatok ngayon ang pamilya Villantes sa mga gustong magbigay ng tulong.

