unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

KULANG ANG KURYENTE: BAKIT NGA BA NAGKUKULANG ANG SUPLAY TUWING TAG-INIT AT EL NIÑO?

Posted by philpiccio | May 23, 2026 | 0

KULANG ANG KURYENTE: BAKIT NGA BA NAGKUKULANG ANG SUPLAY TUWING TAG-INIT AT EL NIÑO?

Marami ang nagtatanong kung bakit kulang ang kuryente sa bansa kapag matindi ang sikat ng araw. Kamakailan lang, nagbabala ang Department of Energy (DOE) tungkol sa mas maraming power interruptions.

Ayon sa ahensiya, ito ay direktang epekto ng nararanasang matinding El Niño sa bansa.

Sinabi ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, magpapatuloy ang yellow at red alerts sa mga susunod na buwan.

Katunayan, inaasahan ang panibagong yellow alert sa Luzon grid at Visayas grid tuwing hapon.

Maaaring makakita ang Visayas ng pitong yellow alerts dahil umaasa lamang ito sa imports mula sa Luzon at Mindanao.

Samantala, walang nakikitang red alert sa Mindanao grid sa ngayon. Subalit, maaari naman itong magkaroon ng anim na yellow alert sa Setyembre, Oktubre, at Nobyembre.

BAKIT KULANG ANG KURYENTE AT KAILANGANG MAG-MLD?

Kaugnay nito, ipinaliwanag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang kanilang tungkulin tuwing may alerto.

Ayon kay Arth Sinobago, Government Relations and Regional Affairs Officer ng NGCP, transmisyon lamang ang kanilang hawak. Sa madaling salita, kung ano ang available supply mula sa mga planta, iyon lamang ang ididispatch ng NGCP.

Kinumpirma ng NGCP ang dalawang dahilan kung bakit kulang ang kuryente o supply para sa demand. Una, marami ang hydro power plants na naka-forced outage o may derated capacity dahil sa kakulangan ng tubig. Sumasabay pa rito ang mga unscheduled shutdowns o biglaang pagkasira ng mga planta dahil sa matinding init.

Pangalawa, sobrang taas din ng demand ng publiko dahil sa sabay-sabay na paggamit ng mga air-conditioned units sa buong bansa. Bilang contingency plan upang mapanatili ang integridad ng grid, magpapatupad ang NGCP ng Manual Load Dropping (MLD) o rotational brownout.

KULANG ANG KURYENTE: SOLUSYONG DEMAND SIDE MANAGEMENT, INILATAG NG NGCP

Dahil sa banta ng kakulangan, tiniyak ng mga opisyal na masusing nakikipagtulungan ang mga industry players ngayon. Layunin nito na mabawasan ang epekto ng El Niño sa suplay ng kuryente sa buong bansa.

Bukod sa kilos ng pamahalaan, binigyang-diin ni Sinobago na malaki ang maitutulong ng mga ordinaryong konsyumer. Nanawagan siya na magpraktis ang lahat ng demand side management sa pamamagitan ng pagtitipid sa kuryente.

Narito ang ilang simpleng tipid-tips na pwedeng gawin sa loob ng bahay:

-Gumamit ng LED bulbs dahil ito ay 75 percent na mas matipid kaysa incandescent bulbs. Linisin din ito para mas lumiwanag.

-Tanggalin sa saksakan ang TV at iba pang appliances kung hindi naman ginagamit.

-Ang regular na paglilinis sa blade nito ay nagpapanatili ng malakas na hangin kaya mas matipid sa konsumo.

  • I-check nang mabuti ang pinto ng ref para masigurong hindi tumatagas ang lamig. Ugaliin ding i-defrost ang ref kapag lampas na sa ¼ pulgada ang yelo.
  • Linisin o ipalinis ang aircon filter at condenser kada anim na buwan. Makatutulong din ang pagsasara ng pinto at bintana bago buksan ang aircon para mabilis itong lumamig.

Kaya naman, ang pagtutulungan ng publiko at ng mga ahensya ang susi upang mapangasiwaan nang maayos ang demand ngayong tag-init.

Share:

PreviousAI-POWERED 2D ECHO MACHINE: KAUNA-UNAHAN SA CENTRAL LUZON, INILUNSAD SA ZAMBALES
NextPHP2.2 MILYONG PEKENG SIGARILYO NASABAT SA TARLAC MATAPOS MAHULI SA AKSIDENTE SA KALSADA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

PANLILIGAW, NAGING DAAN UPANG MAPALAPIT SA PANGINOON ANG ISANG BINATA

PANLILIGAW, NAGING DAAN UPANG MAPALAPIT SA PANGINOON ANG ISANG BINATA

December 28, 2023

16 ANYOS NA NOVO ECIJANO, NAG-IIWAN NG BAKAS SA MOTOCROSS

16 ANYOS NA NOVO ECIJANO, NAG-IIWAN NG BAKAS SA MOTOCROSS

August 31, 2025

MURA AT QUALITY NA COMPUTERIZED LAPIDA, MABIBILI SA OLAN LAPIDA MAKER SA CABANATUAN CITY

MURA AT QUALITY NA COMPUTERIZED LAPIDA, MABIBILI SA OLAN LAPIDA MAKER SA CABANATUAN CITY

September 27, 2024

PABOR KA BA SA PAGSALI NG TRANSGENDER WOMEN SA MISS UNIVERSE?

PABOR KA BA SA PAGSALI NG TRANSGENDER WOMEN SA MISS UNIVERSE?

December 9, 2023

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .