AI-powered 2D Echo Machine ang inilunsad sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa lalawigan ng Zambales.
Ang makabagong pasilidad na ito ang kauna-unahan sa buong Central Luzon.
Gagamitin ang AI 2D Echo Machine upang mas mapabilis ang resulta ng cardiac imaging ng mga pasyente.
Sa tulong ng artificial intelligence, mas magiging tumpak ang pag-analisa sa kondisyon ng puso kaya hindi na kailangang maghintay nang matagal para sa resulta.
Bukod sa mabilis na proseso, mas mapapahusay din ng teknolohiyang ito ang kalidad ng serbisyong medikal sa ospital.
Dahil sa bagong AI-powered 2D Echo Machine, mas magiging abot-kaya na ang specialized heart examination sa mga residente.
Malaki ang maitutulong nito upang makatipid ang mga lokal na mamamayan sa kanilang gastusing medikal.
Maliban pa rito, magiging accessible na ang modernong teknolohiya para sa bawat Zambaleño.
Dahil sa modernong pasilidad, hindi na kailangang bumiyahe pa sa ibang rehiyon ang mga pasyente para sa pagsusuri.
Inaasahan na mas marami pang mamamayan hindi lamang sa Zambales, kundi sa buong Central Luzon ang makikinabang sa nasabing modernong kagamitan na ito.

