unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

ABOT KAYANG SCHOOL SUPPLIES, INIAALOK SA MGA MAGULANG AT ESTUDYANTE NGAYONG BALIK ESKWELA

Posted by philpiccio | May 29, 2026 | 0

ABOT KAYANG SCHOOL SUPPLIES, INIAALOK SA MGA MAGULANG AT ESTUDYANTE NGAYONG BALIK ESKWELA

Habang papalapit ang pagbubukas ng klase, sinisikap ng maraming magulang at estudyante na makatipid sa pagbili ng mga gamit sa paaralan. Kaya naman, nag-aalok ang Yeshua Retail OPC ng iba’t ibang school supplies sa mas mababang presyo para makatulong sa paghahanda ng mga pamilya ngayong balik-eskwela.

Mabibili sa kanilang tindahan ang mga notebook na nagkakahalaga ng P95 hanggang P125 kada bundle o sampung piraso, may cover man o wala. Nasa P90 hanggang P115 naman kada bundle ang mga pad paper. Mayroon ding ballpen na nagkakahalaga ng P50 hanggang P125 kada kahon, lapis na nasa P30 hanggang P110 kada dosena, at bond paper na naglalaro sa P155 hanggang P183.

Kabilang din sa kanilang mga paninda ang ruler na nagkakahalaga ng P42 kada dosena, folder na mula P6.50 hanggang P7 kada piraso, glue na nasa P14 hanggang P17, at plastic envelope na may handle na mabibili sa halagang P42 kada isa. Bukod dito, marami pang iba pang school supplies na maaaring pagpilian ng mga mamimili.

ABOT KAYANG SCHOOL SUPPLIES, INIAALOK SA MGA MAGULANG AT ESTUDYANTE NGAYONG BALIK ESKWELA

Ayon kay Julia Madelo ng Yeshua Retail OPC, mas malaki ang matitipid ng mga mamimili kapag bumibili nang naka-bundle o kada kahon dahil may nakalaang diskwento ang kanilang tindahan.

Dagdag pa ni Madelo, hindi na kinakailangan pang bumiyahe sa Divisoria o Baclaran upang makahanap ng murang school supplies dahil maaari nang makabili ng kumpleto at abot-kayang gamit sa paaralan sa kanilang tindahan sa Cabanatuan City.

Matatagpuan ang Yeshua Retail OPC sa Paco Roman Street, Barangay Dicarma, Cabanatuan City, katabi ng BDO, kung saan maaaring mamili ng mga school supplies para sa nalalapit na pasukan nang hindi kinakailangang lumuwas pa sa ibang lugar.

Share:

PreviousPAMAHALAANG PANLALAWIGAN, SUPORTADO ANG MGA ATLETANG NOVO ECIJANONG SUMABAK SA PALARONG PAMBANSA 2026
NextFREE DIVE SITES SA AURORA, ININSPEKSIYON NA!

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

NE-TV48 News Update | August 31, 2017 | 1:00pm

NE-TV48 News Update | August 31, 2017 | 1:00pm

August 31, 2017

PSSupt. Leon Victor Rosete, itinalagang 24th Provincial Director ng NEPPO

PSSupt. Leon Victor Rosete, itinalagang 24th Provincial Director ng NEPPO

October 19, 2018

67-anyos na lolo, natagpuang patay; kagawad, tigok sa tandem; Number 10 drug personality sa Quezon, itinumba

67-anyos na lolo, natagpuang patay; kagawad, tigok sa tandem; Number 10 drug personality sa Quezon, itinumba

August 23, 2016

Kaso ng dengue sa Lalawigan, pababa ng pababa sa nakaraang tatlong magkakasunod na taon

Kaso ng dengue sa Lalawigan, pababa ng pababa sa nakaraang tatlong magkakasunod na taon

September 11, 2015

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .