unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

BAGONG 3 TERM SCHOOL CALENDAR, GAGAMITING SANDATA NG DEPED PARA ISALBA ANG KRISIS SA PAGBASA

Posted by philpiccio | Jun 3, 2026 | 0

BAGONG 3 TERM SCHOOL CALENDAR, GAGAMITING SANDATA NG DEPED PARA ISALBA ANG KRISIS SA PAGBASA

Bagong 3-term school calendar ang gagamiting sandata ng Department of Education o DepEd ngayon. Hakbang ito ng pamahalaan upang tuluyang isalba ang lumalalang krisis sa pagbasa sa bansa.

Opisyal na uumpisahan ang malaking pagbabagong ito sa darating na School Year 2026-2027 sa June 8. Layunin ng bagong sistema na matiyak ang tuloy-tuloy na pagkatuto ng kabataan.

Mabigat ang pinatutunguhan ng bagong repormang ito para sa mga paaralan. Ayon sa ulat ng EDCOM II, 87 porsyento ng mga Grade 11 students ang hirap magbasa mag-isa.

Hayagang kinumpirma ni DepEd Undersecretary Carmela Oracion ang seryosong sitwasyong ito. Idinagdag pa niyang taon-taon naipon ang kakulangang ito sa buong sistema ng edukasyon.

Gayunpaman, positibo pa rin si DepEd Secretary Sonny Angara sa magiging resulta ng estratehiya.

SOLUSYON NG BAGONG 3-TERM SCHOOL CALENDAR SA PAGKATUTO, INILATAG NG DEPED

Sa ilalim ng bagong kalendaryo, babawasan na sa tatlo ang dating apat na markahan. Napilitan ang kagawaran na baguhin ito dahil sa madalas na abala sa mga klase. Batay sa datos, umaabot sa 53 araw ng pag-aaral ang nawawala taon-taon dahil sa bagyo.

Samakatuwid, binuo ang reporma upang maibsan ang siksikang kurikulum ng mga mag-aaral. Ipinaliwanag ng DepEd na hahatiin ang taon sa mga structured blocks.

Una rito ang Opening Block para sa pagkilala sa kakayahan ng mga bata. Kasunod naman ang Instructional Blocks na nakalaan lamang para sa tuloy-tuloy na pagtuturo.

Panghuli ang End-of-Term Blocks para sa mga remedial classes ng mga mag-aaral. Dito tututukan ang mga batang nahihirapan pa sa pagbasa.
Bukod dito, sinabi ni Angara na malaking ginhawa rin ito para sa eskwelahan.

Dahil sa bagong 3-term school calendar, mas kaunti na lang ang iisiping pagsusulit ng lahat. Dahil dito, mas makatutuok ang mga kabataan sa mas malalim na pag-aaral.

PONDO AT PAGBABAGO SA GITNA NG MGA HAMON NG MGA GURO

Batid ng DepEd na hindi milagro na maaayos ang malalaking problema sa loob lang ng isang taon. Nariyan din ang reklamo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) tungkol sa mga gastusin. Giit ng grupo, marami pa ring guro ang napipilitang mag-abono ng sariling pera.

Bilang tugon, tiniyak ng DepEd na papasimplihin na ang grading cycles ng mga guro. Babawasan ang kanilang mga forms upang maiwasan ang burnout sa trabaho.

Kasabay nito, mas pinalaki na rin ang badyet para sa iba’t ibang programa. Kabilang dito ang pagpapatayo ng pasilidad, remediation, at feeding programs sa paaralan.

Todo-suporta naman si Pangulong Ferdiand Marcos Jr. sa pagbuhos ng pondo ngayon. Naniniwala siyang dapat solid ang pagtuturo simula Kindergarten at Grade 1 pa lamang.

Samantala, magpapakalat muna ang DepEd ng malawakang literacy assessment ngayong Hunyo 8 hanggang Hunyo 11. Hakbang ito upang agad na matukoy ang mga nangangailangan ng espesyal na atensyon.

Sa ngayon, pinag-aaralan na rin ang pilot testing para sa mga digital forms. Ginagawa ito upang masiguro ang maayos na transisyon para sa lahat.

Share:

PreviousFIRE INSPECTOR MULA TARLAC, NAGLIGTAS NG BUHAY SA JAPAN

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

NAGLALAGABLAB NA KALANGITAN DAHIL SA SUNSET, IBINAHAGI NG ISANG GURO SA FACEBOOK

NAGLALAGABLAB NA KALANGITAN DAHIL SA SUNSET, IBINAHAGI NG ISANG GURO SA FACEBOOK

October 19, 2022

PERIODIC MEDICAL EXAM REQUIRMENTS NG DRIVERS LICENSE,INALIS NA NG LTO

PERIODIC MEDICAL EXAM REQUIRMENTS NG DRIVERS LICENSE,INALIS NA NG LTO

April 27, 2023

MAHIGIT 400 PAARALAN SA CENTRAL LUZON, IPINATUPAD ANG BLENDED LEARNING DAHIL SA INIT NG PANAHON

MAHIGIT 400 PAARALAN SA CENTRAL LUZON, IPINATUPAD ANG BLENDED LEARNING DAHIL SA INIT NG PANAHON

May 18, 2022

PANAWAGAN NG ILANG PINOY, ISAPUBLIKO NG ICI ANG PAGDINIG SA FLOOD CONTROL ANOMALIES

PANAWAGAN NG ILANG PINOY, ISAPUBLIKO NG ICI ANG PAGDINIG SA FLOOD CONTROL ANOMALIES

October 2, 2025

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .