Kasabay ng viral na ‘Sharmaine’ at ‘Melanie’ meme trend na usap-usapan ngayon sa social media, bumaba rin ang presyo ng ilang prutas sa Mayeth Fruit Stand sa Barangay Kapitan Pepe Temporary Public Market sa Lungsod ng Cabanatuan.
Mabibili na ang ‘Sharmaine’ o kiat-kiat sa P200 kada kilo mula sa dating P180, habang ang ‘Melanie’ o avocado ay nasa P230 kada kilo mula sa dating P250.
Bumaba rin ang presyo ng dragon fruit sa P280 mula P300, lychee sa P300 mula P350, at muscat grapes sa P450 mula sa dating P500 kada kilo.
Ang seedless grapes naman ay mabibili sa P380 mula P400, habang ang cherry apple ay nasa P200 kada kilo mula sa dating P240.
Mabibili rin ang mangosteen sa P280 mula P300 kada kilo, habang ang manggang kalabaw ay nasa P150 mula P180 at ang manggang hinog ay P140 mula P160 kada kilo.
Mayroon ding piña sa halagang P140 mula sa dating P150, pati mansanas at peras na nagkakahalaga ng P40 hanggang P50 kada piraso, at ponkan na 3 piraso sa halagang P100.
Dahil sa mas mababang presyo at viral na meme trend, mas naging masaya at kaakit-akit ang pamimili ng prutas para sa mga mamimili sa lungsod.

