BABALA SENSITIBONG BALITA!
Mahigit P87,000 halaga ng ilegal na sigarilyo ang nasamsam ng Nueva Ecija Police Provincial Office noong Jnue 3, 2026. Kaugnay ito ng pinaigting na operasyon laban sa smuggled at pekeng sigarilyo.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng anti-criminality checkpoint ang Muñoz City Police Station sa Barangay Poblacion East. Nahuli doon ang 21-anyos na residente ng Barangay Ayos Lomboy, Guimba. Natuklasan kasi ng mga operatiba ang 49 ream ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa sidecar ng kanyang motorsiklo. Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng P49,980. Wala ring kaukulang tax stamps at mga dokumento ang mga produkto.
NEPPO, PINALAKAS ANG KAMPANYA KONTRA ILEGAL NA SIGARILYO
Samantala, nagsagawa rin ng tuloy-tuloy na operasyon ang Gabaldon, Sto. Domingo, Guimba, at Lupao police stations.
Nagresulta ang mga ITO sa pagsuko ng iba’t ibang pekeng at ilegal na sigarilyo.
Umabot sa P37,950 ang kabuuang halaga ng mga isinukong produkto.
Nasa kustodiya na ng mga police station ang nakumpiskang sigarilyo at ang naarestong suspek.
Isinasagawa na rin ang kaukulang dokumentasyon at disposisyon ng mga ebidensya.

