Nagkakahalaga ng mahigit P63,000 ang mga pekeng sigarilyo na boluntaryong isinuko at nakumpiska sa Nueva Ecija noong Hunyo 17, 2026.
Ayon sa Nueva Ecija Police Provincial Office, umabot sa P63,180 ang kabuuang halaga ng mga nakuhang counterfeit cigarettes.
MGA PEKENG SIGARILYO, BOLUNTARYONG ISINUKO SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON NG PULISYA
Resulta umano ito ng magkakahiwalay na operasyon ng Jaen, Sto. Domingo, Guimba, Llanera, at Gapan City Police Station.Kaya isinuko at nasamsam ang iba’t ibang uri ng sigarilyo.
Bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng NEPPO laban sa pamamahagi at pagbebenta ng counterfeit tobacco products.
Ayon sa pulisya, banta ang mga pekeng produkto sa kaligtasan ng mga mamimili at lehitimong negosyo.
Nagdudulot din umano ang bentahan ng counterfeit cigarettes ng pagkawala ng nararapat na kita ng pamahalaan.
Kaya hinikayat ni Provincial Director PCOL Ritchie R. Claravall ang pagtutulungan ng pulisya, mga lokal na stakeholder, at publiko laban sa pekeng sigarilyo.

