Inaasahang magpapalalim at magpapatibay sa pananampalataya ng mga Katolikong Kapampangan ang naging pagkilala sa kauna-unahang Minor Basilica sa Pampanga.
Nitong Martes ay pormal nang iprinoklama ang Holy Rosary Parish na kilala sa tawag na Pisamban Maragul bilang Minor Basilica.
Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Most Rev. Charles J. Brown ang solemn proclamation na dinaluhan ng libo-libong deboto.
KAUNA-UNAHANG MINOR BASILICA SA PAMPANGA, NAGING MAKASAYSAYAN
Ang titulong Minor Basilica ay ibinibigay ng Santo Papa sa mga simbahan na may historical, architectural, at spiritual na kahalagahan.
Ito rin ay nagsisilbing simbolo ng espesyal na ugnayan ng isang lokal na simbahan sa Roma at sa Santo Papa.
Ang pagtaas sa katayuan ng parokya ay patunay sa spiritual heritage ng simbahan at ang matagal ng devotion kay Our Lady of the Most Holy Rosary.
Dahil sa mahalagang tungkulin nito bilang center of worship at evangelization, opisyal na itong naging kauna-unahang Minor Basilica sa Pampanga.
Matatandaan na noong February 2026, opisyal itong itinaas sa bagong ranggo ni Pope Leo XIV dahil sa taglay nitong historical at pastoral importance.
PAPAL NUNCIO, SINALUBONG NG MGA DEBOTO SA MINOR BASILICA SA PAMPANGA
Kaya kamakailan, nag-tipon ang mga residente at deboto upang saksihan ang tagumpay ng parokya.
Mainit na tinanggap ng kaparian, mga local officials, clergy, at mga religious leaders ang Papal Nuncio para sa isang thanksgiving celebration.
Sa isang opisyal na pahayag, nakiusap din ang parokya na patuloy na ipagdasal ang tagumpay ng makasaysayang pagkilala na ito.
SAGRADONG SEREMONYA, HIGHLIGHT SA PAGDIRIWANG
Kabilang sa mga highlights ng pagdiriwang ang mga sagradong proclamation rites tulad ng Kissing of the Cross at panalangin ng Nuncio.
Kasunod nito, isinagawa rin ang paghahayag ng official marker na nagpapatunay sa mataas na katayuan at spiritual significance ng parokya.
Sa kabuuan, ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon sa mga Katolikong Kapampangan upang mas lalo pang pag-igtingin ang kanilang pananampalataya.

