unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

INA NG ANIM NA BATA NAKAHINGA NG MALUWAG MATAPOS MAPABILANG SA LIBRENG SURGICAL CARAVAN NG ALAGANG UMALI

Posted by philpiccio | Jun 23, 2026 | 0

INA NG ANIM NA BATA NAKAHINGA NG MALUWAG MATAPOS MAPABILANG SA LIBRENG SURGICAL CARAVAN NG ALAGANG UMALI

Ilang buwan na tiniis ni Rochelle Paris Romero ang matinding pananakit dulot ng bato sa apdo dahil hindi nila kayang tustusan ang operasyon sa pribadong ospital. Sa pamamagitan ng Seruhano ng Alagang Umali Surgical Caravan sa Sto. Domingo District Hospital, nabigyan siya ng pagkakataong sumailalim sa libreng operasyon.

Ayon kay Rochelle, tinatayang aabot sa P55,000 hanggang P65,000 ang gastusin sa operasyon sa pribadong ospital kaya matagal niya itong ipinagpaliban. Matapos makakuha ng medical clearance, matagumpay siyang sumailalim sa operasyon nang walang anumang gastos.

Hindi lamang si Rochelle ang nabigyan ng panibagong pag-asa sa pamamagitan ng Seruhano ng Alagang Umali. Kabilang din sa mga sumailalim sa libreng operasyon sina Mark Harold Velasco, Mark Kevin Pangilinan at iba pang mga benepisyaryo.

Ayon sa mga benepisyaryo, dahil sa kakulangan ng kakayahang pinansyal ay matagal nilang hindi naipagamot ang kanilang mga karamdaman. Sa pamamagitan ng programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Ecija, nabigyan sila ng pagkakataong makapagpagamot nang walang iniintinding gastusin.

Sa patuloy na pagsasagawa ng Seruhano ng Alagang Umali Surgical Caravan, mas marami pang Novo Ecijano ang nabibigyan ng pagkakataong makapagpagamot at makabalik sa mas malusog na pamumuhay nang hindi nabibigatan sa gastusin.

Share:

PreviousDAVAO TEAMMATES NI BATERBONIA, LILIPAT NA SA DE LA SALLE ZOBEL
NextMALAKING BAWAS SA PRESYO NG LANGIS, NAGBIGAY-GINHAWA SA MGA MOTORISTA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

PHIVOLCS, nagpaalala sa mga Novo Ecijano na maging handa sa lindol

PHIVOLCS, nagpaalala sa mga Novo Ecijano na maging handa sa lindol

April 25, 2019

MAHIGIT 100 SIKLISTA, LUMAHOK SA TRANGKO ECIJANO SA PARCUTELA, GAPAN CITY

MAHIGIT 100 SIKLISTA, LUMAHOK SA TRANGKO ECIJANO SA PARCUTELA, GAPAN CITY

February 13, 2015

PAGRESPONDE SA VEHICULAR ACCIDENTS, TUTUTUKAN NG PDDRMO SA NUEVA ECIJA

PAGRESPONDE SA VEHICULAR ACCIDENTS, TUTUTUKAN NG PDDRMO SA NUEVA ECIJA

June 13, 2025

VIDEO NG PARI NA PINIGIL ANG PAGTAWA, NAGPASAYA SA MGA NETIZENS

VIDEO NG PARI NA PINIGIL ANG PAGTAWA, NAGPASAYA SA MGA NETIZENS

May 11, 2024

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .