Nagresulta sa pagkakasamsam ng halos P470 million na ilegal na droga mula June 1 hanggang 20, 2026 ang PNP anti-illegal drug operations.
Umabot sa 3,420 operasyon ang isinagawa ng pulisya sa buong bansa sa nasabing panahon.
Nagresulta ang mga operasyon sa pagkakaaresto ng 4,168 kataong sangkot sa ilegal na droga.
PNP ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATIONS, NAGRESULTA SA HALOS P470-MILYONG DROGA NA NASAMSAM
Nakumpiska ang shabu, marijuana, cocaine, at iba pang ipinagbabawal na droga sa magkakahiwalay na operasyon.
Pinakamalaki ang nasamsam ng PRO (Police Regional Office) Cordillera na mahigit P225.3 milyo ang halaga.
Sumunod ang PRO 6 o Western Visayas na may P52.3 milyon at NCRPO na may P28.9 milyon.
Ayon sa PNP, bahagi ito ng pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs habang iginagalang ang batas at karapatang pantao.
Pinuri naman ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga pulis sa kanilang dedikasyon at propesyonalismo.

