Sa loob ng dalawang buwan, target ng Senado na maipasa ang School Safety Act.
Pinangunahan ni Senator Bam Aquino ang pagdinig bilang Chairman ng Committee on Basic Education.
Layunin ng panukala na palakasin ang seguridad at kaligtasan sa lahat ng paaralan.
Kasunod ito ng mga trahedya, kabilang ang pamamaril sa isang high school sa Tacloban City.
Pinalawak din ang ipinapanukalang omnibus School Safety Act kumpara sa naunang anti-bullying measures.
Dahil sa nagbabagong anyo ng mga banta sa mga estudyante, layon nitong pagtibayin ang emergency response protocols. Kabilang ang sapilitang paglalagay ng CCTV, at pinalawak na mental health at psychosocial support.
Kaya nanawagan din siya na isantabi ang pulitika upang mapabilis ang pagpasa ng panukalang batas.

