Nanawagan si Senador Bam Aquino na repasuhin ang Juvenile Justice Act matapos ang Tacloban school shooting.
JUVENILE JUSTICE ACT, SOCIAL MEDIA RESTRICTIONS, ISINUSULONG NG SENADOR.
Ayon sa senador, kailangan ang mas mahigpit na pananagutan sa mga menor de edad na sangkot sa mabibigat na krimen.
Maghahain siya ng panukalang mag-aamyenda sa umiiral na batas sa pagbubukas ng sesyon ng Senado.
Sinusuportahan din niya ang pagbabawal sa social media para sa mga batang wala pang labinlimang taong gulang.
Aniya, makatutulong ito laban sa online radicalization at karahasang naiimpluwensiyahan ng digital platforms.
Hinimok din niya ang mga magulang na palakasin ang komunikasyon at paggabay sa kanilang mga anak.
Inaasahang tatalakayin din ng Senado ang mga hakbang para sa mas ligtas na mga paaralan sa mga susunod na linggo.

