unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

PAX SILICA, BINUBUO NG ALYANSA NG MGA BANSA UPANG HINDI UMANO UMASA SA CHINA; PINANGANGAMBAHAN ANG BANTA SA GITNANG LUZON

Posted by philpiccio | Aug 1, 2026 | 0

PAX SILICA, BINUBUO NG ALYANSA NG MGA BANSA UPANG HINDI UMANO UMASA SA CHINA; PINANGANGAMBAHAN ANG BANTA SA GITNANG LUZON

Mariing tinututulan ng mga grupo at samahan ng mga magsasaka sa Central Luzon ang Pax Silica.

Ayon sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang US-led initiative na ito ay magdudulot lamang ng malawakang pinsala sa bansa.

Ang planong economic security zone sa Central Luzon ay maaari umanong magdulot ng pang-aagaw sa lupa, pagbaba ng kalidad ng sahod, at pagkasira sa kalikasan.

PAX SILICA, PANGANIB UMANO ANG DULOT SA GITNANG LUZON

Ang Pax Silica ay isang alyansa na binubuo ng humigit-kumulang 30 bansa tulad ng United States, Japan, South Korea, United Kingdom, at European Union.

Layunin nitong patatagin ang global supply chain para sa artificial intelligence (AI), semiconductor, at critical minerals, upang bawasan ang pagdepende sa China pagdating sa semiconductor technology.

Gagawin sa New Clark City (NCC) sa Tarlac ang isang 4,000-acre tech zone na kasing laki ng 2,200 football fields.

Kailangan ng proyekto ng malaking supply ng kuryente dahil ang isang server rack pa lang ay kumokonsumo na ng kuryente na pang-50 hanggang 100 kabahayan.

Bukod dito, gagamit din ang pasilidad ng hanggang 5 million gallons ng tubig araw-araw para sa evaporative cooling system ng mga umiinit na AI chips.

EPEKTO SA LUPAIN AT TRABAHO, ILAN SA PANGAMBA NG MGA GRUPO NG MAGSASAKA

Kaya naman, sa press statement ng UMA, sinabi nilang palalalain lang ng pax silica ang usaping agrikultura sa bansa.

Binigyang-diin din ni KMP Chairperson Danilo Ramos na ang Central Luzon ang isa sa mga pangunahing food granary ng bansa.

Aniya, ang pag-agaw at pagpalit sa mga lupang sakahan para gawing mga AI at industrial hub ay nagbabanta sa food security ng Pilipinas.

Sa halip na ipamigay ang lupa sa mga foreign corporate interests, dapat umanong mag-invest ang gobyerno sa mga patubig, cold storage, at drying facilities para sa mga lokal na magsasaka.

PAGBABASURA SA PAX SILICA, PANAWAGAN NG MGA MAGSASAKA

Nagbabala rin ang mga grupo sa matinding epekto ng proyekto sa mga likas na yaman.

Unang-una rito ang malaking demand sa tubig, dahil ang mga data center at chip manufacturing plants ay gumagamit ng milyun-milyong galon ng tubig araw-araw para sa cooling systems.

Maaari itong makipag-agawan sa patubig ng mga sakahan at supply ng tubig sa Tarlac, at mga karatig lalawigan.

Maliban pa rito, ang malaking konsumo sa kuryente ng mga AI servers ay magdaragdag sa mataas na singil at shortage ng kuryente sa bansa.

Dahil dito, patuloy ang panawagan ng iba’t-ibang samahan ng mga magsasaka sa gobyerno na ibasura ang Pax Silica initiative.

Ayon sa kanila, ang tunay na pag-unlad ng bansa ay nakabatay sa pagpapalakas ng agrikultura, reporma sa lupa, at pagtiyak na ang sakahan ay mananatili sa kamay ng mga lokal na magsasaka.

Share:

PreviousPARA TABLE TENNIS: DALAWANG PINAY, NAG-UWI NG MEDALYA
NextFIRST-TIME APPLICANTS, MAS MADALI NANG MAKAKAKUHA NG POSTAL ID SA MGA POST OFFICE SA BANSA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

10 yrs validity ng lisensya, insentibo sa mga walang paglabag sa batas trapiko -LTO

10 yrs validity ng lisensya, insentibo sa mga walang paglabag sa batas trapiko -LTO

August 19, 2022

₱11.4-M Warehouse, Solar Dryer, Binuksan para sa Garlic Farmers ng Ilocos Norte

₱11.4-M Warehouse, Solar Dryer, Binuksan para sa Garlic Farmers ng Ilocos Norte

November 4, 2025

MGA DATING POGO HUB, BPO GAGAWING ESKUWELAHAN

MGA DATING POGO HUB, BPO GAGAWING ESKUWELAHAN

February 12, 2026

Dagdag benepisyo sa mga guro, pinag-aaralan ng DepEd

Dagdag benepisyo sa mga guro, pinag-aaralan ng DepEd

July 29, 2022

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .