Inilatag ni Senator Bam Aquino ang 5-point legislative agenda para sa MSMEs matapos pamunuan ang Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
Aniya, ang MSMEs ang bumubuo sa 99 percent ng mga negosyo at pangunahing nagbibigay ng trabaho sa bansa.
Pero, iginiit niyang nahaharap ang maliliit na negosyo sa krisis, mabigat na regulasyon, at kumplikadong proseso ng pamahalaan.
Kaya isinusulong niya ang pag-update ng Magna Carta for MSMEs at Go Negosyo Act of 2014.
Palalawakin din ang access sa puhunan, microinsurance, at iba pang suporta mula sa pamahalaan.
Iminungkahi rin ni Aquino ang mas malaking suporta sa creative economy at mga Pilipinong artist, developers, at digital creators.
Kabilang din sa agenda ang Local Farmer and MSME Support and Voucher Program para direktang suportahan ang lokal na producer.
Nanawagan din siya ng mas mahigpit na aksyon laban sa red tape at pang-aabuso ng ilang ahensya.
Paliwanag Aquino, mahalaga ang mga repormang ito habang inaasahan ang posibleng pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang bilihin.

