Arestado ang apat na suspek dahil umano sa Chinese businessman kidnapping sa Angeles City, Pampanga.
Tatlong Chinese nationals at isang Pilipina ang inaresto ng PNP Anti-Kidnapping Group sa isinagawang operasyon.
BIKTIMA SA CHINESE BUSINESSMAN KIDNAPPING, NAKATAKAS SA PAMAMAGITAN NG PAGLUNDAG SA BINTANA
Ayon sa pulisya, dinukot ang 37-year-old na negosyante noong August 2 sa Friendship Highway, Angeles City.
Humingi umano ang mga suspek ng USD1 million, katumbas ng halos PHP60 million, gamit ang cryptocurrency bilang ransom.
Ngunit nakatakas ang biktima noong August 4 dahil nakatulog umano ang mga bantay dahil sa kalasingan.
Kaya lumundag siya sa bintana ng pinagkulungan at nakahingi ng tulong sa mga awtoridad.
Kinilala ang mga naarestong suspek sa mga alyas na “XL,” “LHW,” “Chen Chen,” at “Radx.”
Isinailalim na sila sa inquest proceedings para sa kidnapping for ransom at serious illegal detention.
Samantala, patuloy namang tinutugis ng pulisya ang dalawa pang umano’y kasabwat sa insidente.

