unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

PANGARAP, HINDI SINUKUAN: SPES, NAGING TULAY NG MGA ESTUDYANTE TUNGO SA KOLEHIYO

Posted by philpiccio | Aug 11, 2026 | 0

PANGARAP, HINDI SINUKUAN: SPES, NAGING TULAY NG MGA ESTUDYANTE TUNGO SA KOLEHIYO

Hindi naging hadlang ang kahirapan para kina Chelsie Sarangaya at Harry Ramos upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa tulong ng Special Program for Employment of Students (SPES), nabigyan sila ng pagkakataong makapagtrabaho habang nag-iipon para sa kanilang mga gastusin sa kolehiyo.

Si Chelsie, 19-anyos mula sa Barangay Mayapyap Norte, Cabanatuan City, ay kasalukuyang third year college student ng Bachelor of Technology Livelihood and Education (BTLED), major in Home Economics sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST). Matapos pumanaw ang kanyang ama, ang kanyang lola na umaasa lamang sa pensiyon ang tumutulong sa kanilang pag-aaral.

Dahil sa SPES, nakatanggap siya ng mahigit P12,000 na kanyang inilaan sa mga proyekto at iba pang pangangailangan sa paaralan. Higit pa rito, sinabi niyang nahasa ang kanyang kakayahan sa pakikipag-usap at pakikitungo sa iba’t ibang tao, mga karanasang magagamit niya sa kanyang pangarap na maging guro.

Samantala, malaking tulong din ang programa para kay Harry Ramos, 18-anyos na residente ng Barangay Umangan, Aliaga. Bilang first-year Bachelor of Science in Social Work student sa Wesleyan University-Philippines, ginamit niya ang kinita mula sa SPES upang matustusan ang kanyang school expenses at mabawasan ang gastusin ng kanilang pamilya.

Ayon kay Harry, naging mahalaga rin ang karanasang natamo niya sa opisina dahil mas natutunan niya ang tamang pakikisalamuha sa mga tao at nagkaroon siya ng pagkakataong makasama ang mga social worker na nagsilbing inspirasyon sa kursong kanyang tinatahak.

Parehong nagpahayag ng pasasalamat sina Chelsie at Harry sa Provincial Government of Nueva Ecija at Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad na makapagtrabaho habang nag-aaral. Para sa kanila, ang SPES ay hindi lamang pinagkukunan ng kita kundi pagkakataon ding matuto, magkaroon ng karanasan sa trabaho, at mas mapalapit sa kanilang mga pangarap.

Ang SPES ay ipinatutupad ng Public Employment Service Office (PESO) at DOLE, katuwang ang Provincial Government of Nueva Ecija, upang mabigyan ng pansamantalang trabaho ang mga kwalipikadong senior high school at college students na may edad 15 hanggang 30 taong gulang tuwing bakasyon.

Sa ilalim ng programa, tumatanggap ang mga benepisyaryo ng minimum wage na P600 kada araw sa loob ng 20 araw ng trabaho, kung saan 60 percent ng sahod ay mula sa Provincial Government of Nueva Ecija at 40 percent naman ay mula sa DOLE.

Ayon kay Provincial PESO Manager Maria Luisa Reyes-Pangilinan, umabot sa 120 estudyante ang naging benepisyaryo ng SPES ngayong 2026. Aniya, malaking tulong ang programa upang matustusan ng mga estudyante ang kanilang matrikula, school supplies, at iba pang gastusin sa pag-aaral, habang nagkakaroon din sila ng mahalagang karanasan sa mundo ng trabaho.

Patuloy namang hinihikayat ng PESO ang mga kwalipikadong kabataan na samantalahin ang SPES upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mas mapalapit sa kanilang mga pangarap.

Share:

PreviousALEXSANDRA ANN DIAZ, SUSUNOD SA YAPAK NI HIDILYN DIAZ?
NextSURGICAL CARAVAN, NAGBALIK NG KUMPIYANSA SA SARILI NG MGA PASYENTE SA SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

Higit 30 Campus Journalists sa Nueva Ecija, nakiisa sa post celebration ng World Press Freedom Day

Higit 30 Campus Journalists sa Nueva Ecija, nakiisa sa post celebration ng World Press Freedom Day

May 24, 2018

Cable wires ng isang cell site, ninakaw; tindero, napagtripan ng lasing na kustomer

Cable wires ng isang cell site, ninakaw; tindero, napagtripan ng lasing na kustomer

October 24, 2014

Colegio ng Bayan, patuloy sa pagbibigay ng pag-asa sa mga kabataan

Colegio ng Bayan, patuloy sa pagbibigay ng pag-asa sa mga kabataan

June 10, 2014

NEPPO, nag-inspeksyon sa mga tindahan ng paputok bago ang bagong taon

NEPPO, nag-inspeksyon sa mga tindahan ng paputok bago ang bagong taon

January 4, 2018

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .