unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News
unang sigaw pilipinas logo
  • News
  • Lifestyle & Entertainment
  • Weather
  • Bantay Krimen
  • More
    • Science and Technology
    • National News
    • Events
    • Happenings
    • World News

SURGICAL CARAVAN, NAGBALIK NG KUMPIYANSA SA SARILI NG MGA PASYENTE SA SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL

Posted by philpiccio | Aug 11, 2026 | 0

SURGICAL CARAVAN, NAGBALIK NG KUMPIYANSA SA SARILI NG MGA PASYENTE SA SAN ANTONIO DISTRICT HOSPITAL

Muling naibalik ang kumpiyansa sa sarili ng 44 na pasyente sa San Antonio District Hospital sa Nueva Ecija matapos ang Surgical Caravan o libreng gamutan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa pamamagitan ng programang ito ng Provincial Health Office, sa ilalim ng pamumuno nina Governor Aurelio “Oyie” Umali at Vice Governor Gil Raymond “Lemon” Umali, natuldukan din ang maraming taon ng kanilang pagtitiis sa sakit.

May kabuuang 42 minor at 2 major surgery ang isinagawa sa nasabing hospital.

Halos 22 taon na dinadala ni Ernesto Flores mula San Antonio, ang cyst sa kanyang tiyan.

Dahil sa patuloy nitong paglaki, nakaramdam siya ng hiya tuwing may nakakakita sa kanyang bukol sa katawan.

Ngunit dahil sa tulong ng Surgical Caravan, naipatanggal na niya ito nang walang ginastos kumpara sa mahal na pribadong ospital.

Mula naman sa Jaen, tatlong taon ding nagtiis si Eva Santos sa kumikirot na bukol sa kanyang talampakan.

Nagsimula aniya ang kanyang bukol nang matinik siya ng kulitis na hindi agad nakuha hanggang sa ito ay bumukol na.

Pagkatapos niyang makita ang post sa Facebook tungkol sa libreng gamutan, agad siyang nag-abang at nagpaopera upang makalakad nang maayos.

Pitong taon namang naging balakid sa kumpiyansa sa sarili ni Gaudencio Reyes mula Jaen, ang bukol sa kanyang noo.

Nahihiya umano siya sa kanyang mga nakakasalamuha kaya naman laking pasasalamat niya nang matanggal na ang bukol sa kanyang ulo.

Samantala, matagumpay ding naipatanggal ni Christian Mangunay mula sa Cabiao, ang kanyang lymphoma na nakuha sa madalas na paghiga sa malamig na sahig.

Aniya, dahil sa matagumpay na operasyon, magiging mas komportable na siyang magbuhat ng mga gamit nang walang anumang alalahanin sa kalusugan.

Share:

PreviousPANGARAP, HINDI SINUKUAN: SPES, NAGING TULAY NG MGA ESTUDYANTE TUNGO SA KOLEHIYO
NextSA BAWAT TAKAL NG TAHO, 37 TAON NG PAGSISIKAP AT SAKRIPISYO NG ISANG AMA PARA SA PAMILYA

About The Author

philpiccio

philpiccio

Related Posts

INSENTIBO NG MGA HEALTH CARE WORKERS SA NUEVA ECIJA NA TUMUGON SA COVID, MATATANGGAP NA

INSENTIBO NG MGA HEALTH CARE WORKERS SA NUEVA ECIJA NA TUMUGON SA COVID, MATATANGGAP NA

April 11, 2023

KAUNA-UNAHANG VOTER’S REGISTRATION SEMINAR, PINANGUNAHAN NG PROVINCIAL YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL

KAUNA-UNAHANG VOTER’S REGISTRATION SEMINAR, PINANGUNAHAN NG PROVINCIAL YOUTH DEVELOPMENT COUNCIL

October 14, 2015

Bakbakan sa Kuryente sa Cabanatuan City, Tuluy-tuloy Na

Bakbakan sa Kuryente sa Cabanatuan City, Tuluy-tuloy Na

August 12, 2015

NE-TV48 News Update 02/02/2017

NE-TV48 News Update 02/02/2017

February 2, 2017

Leave a reply Cancel reply

You must be logged in to post a comment.

unang sigaw pilipinas logo

Terms of use

Privacy Policy

Content Use Policy

Privacy Banner

We use cookies to improve your experience and analyze site traffic. By continuing to use this website, you consent to our use of cookies and data processing as described in our Privacy Policy .